019

679 34 14
                                    

I TURNED on my phone.

"Hyung, sure ka na bang okay ka na?," tanong ni Mingyu.

I nodded and smiled. Bumalik ang tingin ko sa phone ko ng maopen iyon. Gusto kong tingnan ang kung may nakalimutan akong mga bagay-bagay o tao. Ang sabi kasi nila, dahil daw sa aksidente baka nagkaamnesia ako. Pero naaalala ko naman sila.

Kaya lang may itinanong sila sa akin na hindi ko naman alam ang sagot. O sadyang nahirapan lang talaga ako dahil hindi ko naman kilala talaga.




"Eh si Jisoo, kilala mo?"

And then, I thought. Jisoo? I think I've heard that somewhere.

He sounds familiar at yun lang ang pumasok sa utak kong deskripsiyon niya. Kinabahan pa ako kanina dahil lumakas pa ang tibok ng puso ko. Para kasing kilalang kilala ko siya pero yun lang ang alam ko sa kanya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tumawa sila at sinabing hindi naman daw kami close nun at tinetest lang nila ako.


Mga baliw talaga.

Napakunot-noo ako ng makitang wala ng laman ang phone ko. Napatingin ako kay Jihoon, tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig kung bakit walang laman ang phone ko. Ang kaso, akala siguro niya ay pinapagalitan ko siya dahil nakikipagtext na naman ng kaaga aga, kaya naman tinaasan niya din ako ng kilay. Napabuntong-hininga na lang ako ng palihim.

Ano bang meron sa mga anak kong to? Maganda naman ang pagpapalaki ko at trato tapos nagkaganyan sila. May naipaglihi sa sama ng loob (Jihoon), naging malakabayo daw (DK), may naover---overcook (lam na this), Bitter na indenial (Minghao) at panghain daw sa fiesta (Seungkwan). Sila rin nagsabi ng mga yan, hindi ako. Malala na talaga sila.


"Hyung, uwi na tayo."

Tumango ako.

Uuwi na ako. Kami. Uuwi na kami.

-

memory card • jihanWhere stories live. Discover now