"Pero di nga, pogi mo pre. Ano nangyari sa mukha mo? Ikaw lang ba yung binasbasan ni lord ng kagwapuhan?" asar ni Drake.

"Ikaw Drake, ano nangyari sa mukha mo? Ba't naging ganyan? Parang dati ang pogi mo ah" asar nila PJ.

"Ha-ha-ha nakakatawa mga bro" sagot ni Drake.

Nagtawanan lang kami sa nangyari.

"*ehem* So ganon? Hindi niyo papansinin yung dalawang muse ng squad? Kanina pa kami nakatayo dito oh" napatingin kami sa likod namin.

There I saw, the woman I admire the most. Wearing a beautiful black dress and a toga.

"Munchkin!!~ Why so beautiful?!" sabi ni Drake habang niyayakap ang girlfriend.

"You look drop dead gorgeous" saad ko kay Sabrina.

"Thank you, you look handsome. As always" sagot niya.

"Eww!~ PDA spotted! Tigilan niyo nga yan!" sabi nila Jonathan, naglalambingan kasi yung dalawang magsyota.

"Wala lang kasi kayong girlfriend kaya kayo ganyan. Let's go!" saad ko.

.....

Pumasok kami sa loob ng room namin. And as usual, maingay. Palagi naman ehh.

May mga estudyanteng binati kami ng 'congrats' at yung iba naman nagpapapicture.

Mahirap talaga kapag pogi. Oh well, bigay yan ni lord. We should be proud ^_^

Naupo kami sa desks namin. Mga dalawang oras o higit pa bago kami tawagin sa quadrangle. Kaya hindi muna pinasuot samin yung mga toga namin.

There's just one word in my mind right now.

Boring. Yes, boring. Kanina pa kasi kami nagkwekwentuhan at nagtatawanan dito sa loob ng room. Nakakaboring lang.

"I'm bored" saad ko at yumuko.

"Gusto mo pumunta sa rooftop?" narinig kong tanong ni Sabrina, napatayo ako ng upo at tumango.

"Bibili lang kami ng tubig sa cafeteria" sabi ni Sabrina at tumayo sa desk niya.

"Bili niyo din kami!~"

Ang daming tao sa labas, probably naghahanda para sa recognition nila.

....

Binuksan ko yung pintuan ng rooftop, medyo mahangin sa labas. Naupo kami sa bench malapit sa terrace.

Napatingin ako kay Sabrina, naalala ko nakadress pala siya.

"Here.." sabi ko habang nilalagay yung suit ko sa hita niya.

"Thanks...ang gulo na nung buhok mo" natatawang sabi niya habang tinuturo yung buhok ko.

Malakas kasi yung hangin kaya pati kami nililipad na.

"Well atleast I'm still handsome even though I have messy hair" sagot ko.

"Such a full of yourself, Sevit" sagot niya.

Nilagay ko yung ulo ko sa balikat niya, and interwined our hands.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now