Chapter 14

8.9K 262 27
                                    

CHAPTER 14: SCHOOL FESTIVAL

Sabrina's POV:

Now playing - 'Not Today' by BTS

"Not not today! Hey! Not not today!"

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Hehe. Nagpapatugtog. Mamaya pa namang 9 yung pasok namin. School Festival lang naman.

Sabay din kami nila Denver pumasok.
Back to normal na din ang lahat, well sana nga. Basta magsaya nalang tayo ngayong araw! Paborito ko pa namang event ang school festival! Bakit kamo?? Aba! May mga libre silang pagkain at souvenirs noh! Aayaw ka pa ba?!

Bumaba ako para mag-almusal. Nakita ko naman ang napakapogi kong kapatid. "Denverrr~" pakanta kong tawag sa kanya. He just gave me a ano meron sayo ate? look. "Duh! School festival ngayon! Kaya dapat happy!" sabi ko habang kumukuha ng cereal.

"Pftt. Puro pagkain lang naman habol mo dun ate. Kaya ka tumataba eh" sabi niya at tinawanan ako. Nagkibit-balikat naman ako. "Hoy! Hindi ako tumataba kahit madami akong kinakain noh!" protesta ko.

"Aish! Maghahanda na nga ako!" sabi ko sabay kunwaring pagalit na naglakad palayo sa kanya. Sabihan ba naman akong mataba?! --__--

Pagkatapos ng ilang minuto bumababa ako, "Den! Pasok na tayo bilis!!" sigaw ko at tumakbo papunta sa sasakyan. Sinundan lang niya ako. "Hindi ko alam kung ikaw ba talaga yung panganay sating dalawa eh" sabi niya. "Tsk. Magdrive ka na nga!".

Ilang oras ang nakalipas ay nakadating na din kami sa Sevit High. May nakikita na akong mga estudyanteng naghahanda ng mga booths nila. ^_^

"Ate! Una na ko ah!" sabi ni Denver at kinawayan ako. Dumiretso ako kaagad sa room namin. Wala naman kami ngayong klase, walang lessons and mga teachers. Diba nga? School festival? Enjoy-enjoy lang.

Pumasok ako ng room at nakita sila Casey. "Good morning!" bati ko. Binati din naman nila ako pabalik. "Sabby! Balita ko may libre daw silang mga pagkain tuwing school festival?" tanong ni Casey. Tumango naman ako. "Nasan booth natin?" tanong ko. Tinuro nila yung class president namin. "Siya na bahala" sabi ni Jonathan.

Bigla namang pumasok yung prof namin. "Okay class! At exactly 10 am you can enjoy yourselves at our school festival today! Please have cooperation and do not be hysterical" explain niya. Nagsitilian naman lahat. Hysterical nga. >_<

"Oh! And of course, don't forget to watch Infinity5's performance today" dagdag pa niya. Mas lalo silang nagsitilian. Pati mga lalaki nakikitili nadin.

"Grabe talaga kapag peyms noh?" sabi ni Casey. "Sinabi mo pa" sagot ko. Tinapik ko si Grey, "Magpeperform kayo mamaya? Ano oras?" tanong ko. Ngumiti muna siya bago niya ako sinagot. "Mamaya pa namang 1-2".

"Good luck" sabi ko at nagthumbs up sa kanya👍. "Hindi ka manonood?" tanong niya. "Manonood" simpleng sagot ko. "Good, I want to see you there".

Matapos ang ilang oras ay pinababa na kami sa labas. Punong-puno ng dekorasyon ang buong Sevit High. Lahat ng klase may mga booths. Syempre pumunta muna kami sa booth namin.

"Ang cute ng booth natin!" sigaw ni Casey. Nga pala kahit anong theme yung decor ng booth. Pinili nila is love. Kaya ayun, punong-puno ng hearts yung booth namin. Yung ibang booth naman may Halloween, at iba pa.

"Benj! Anong pagkain natin? Treats? Sweets?" tanong ko sa class president namin. "Marami! Gusto niyo matikman?" alok niya. Napatalon ako bigla. Ayiiee!

"May gutom na gutom ah" narinig kong sabi ni Casey. At ako naman na si gutom, kumakain ng cupcakes. "Nga pala, Infinity5 nasan?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pala namin sila kasama.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobOn viuen les histories. Descobreix ara