Chapter 31

7.3K 213 29
                                    

CHAPTER 31: LOVING YOU

Sabrina's POV:

"Anak?? Halos tatlong araw ka nang hindi kumakain. Nagaalala ako sayo" sabi sakin ni Mama nang makapasok siya sa kwarto ko.

Tatlong araw, tatlong araw na akong nakatulala dito sa kwarto ko. Tatlong araw na akong hindi kumakain. Tatlong araw, pero wala pading balita kay Grey. He's still at the hospital, sleeping peacefully.

"Ma, ayako kumain. Mamaya nalang" sagot ko at nagtakip ng unan.

"Anak, hindi makakatulong ang hindi pagkain ng tatlong araw para magising si Grey. He needs you to be healthy" sabi niya at naramdaman kong lumubog yung kama, means naupo siya sa tabi ko.

Napaisip ako saglit. Bakit nga ba ako nagkukulong dito sa kwarto ko? Sigurado ako, papagalitan ako ni Grey pag nalaman niyang hindi ako kumakain.

"Kung may kailangan ka nasa baba lang ako ha?" sabi ni Mama at lumabas ng kwarto ko.

Napaupo ako sa kama. Narinig ko yung tiyan ko. "Ugh. Kakain na nga ako" sabi ko at naglakad papunta sa kusina.

"Ahh! May zombie!!" narinig kong sabi ni Denver nang makababa ako sa kusina.

Binatukan ko siya. "Tch. Panira ka ng araw alam mo ba yun" sabi ko at naupo sa upuan.

"Hehehe^^Sorry, ate. Namiss kasi kita, tatlong araw ka nang hindi bumababa dun sa kwarto mo" sabi niya at nagpeace sign.

Isang oras na akong nakaupo dito sa kusina. Kumakain. Ikaw ba namang hindi kumain ng tatlong araw. Mabubuhay pa kaya yung tiyan mo nun?

Tinitignan ko yung phone ko. Something caught my eye. It was a picture of me in my prom gown.

'What a beautiful lady, perfect'

Napangiti ako. This jerk.

"Nababaliw kana ate. Ma! Si ate oh nakangiti na parang baliw!"

Sinamaan ko ng tingin si Denver. Epal talaga -__-

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa ospital o hindi. I am still the one at fault in here.

Halos nagtatalo yung puso at utak ko. Hindi ako makapag-isip.
"Manonood nalang ako" bulong ko sa sarili ko at naglakad papunta sa salas.

Nahiga ako sa couch at binuksan yung TV.

You dumb, walang magbabago kung nakahiga ka lang jan sa couch. Visit me. I miss you~

Nagulat ako nang marinig ko yung boses ni Grey. Pero hindi ko siya makita. "Gosh, I must be hearing things. Bakit ba kasi hindi ako kumain ng tatlong araw?" bulong ko sa sarili ko.

You didn't eat for three days? Young lady, when I wake up sisiguraduhin kong papakainin kita ng maraming pagkain. Especially your favorite ones.

Napatakip ako ng tenga. Why am I hearing Grey's voice?! Ugh. Ganon ko na ba talaga siya kamiss?!

My imagination was interrupted by a call. Kinuha ko yung phone ko at sinagot ito.

"Hello??"

(Sabrina? This is Lolo Charlie)

"Bakit po Lolo Charlie? Napatawag kayo?"

(Iha, he's awake. Kanina lang siya nagising. Nandito na din sila Drake)

Bigla kong nabitawan yung phone ko. (Sabrina?? Hello? Are you there??)

"O-Opo! U-uhmm. P-Papunta na po ako diyan! Wait lang!"

Agad kong binaba yung tawag at tumakbo kaagad sa kwarto para magpalit.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now