Chapter 3

13.2K 473 15
                                    

CHAPTER 3: SABRINA MEETS GREY

[Sabrina's Point Of View:]

"Ugh, bwisit na alarm", Napahikab ako habang kinukusot yung dalawa kong mata. Nagunat-unat muna ako bago tumayo at magpunta sa banyo.

Back to normal ulit, may mga kung ano-ano nang ipapagawa yung mga subject teachers samin. Worst, baka magbigay pa sila ng project.

Nang matapos akong maghanda ay naglakad ako papunta sa kusina para kumain. Dun ko lang naalala na wala si Denver, yung pogi kong kapatid.

"Manang Flory, nasaan po si Denver?", Tanong ko kay Manang Flory, siya ang nagbabantay saming dalawa ni Denver tuwing wala si Mama. Para ko na din siyang lola.

"Naku, iha. Maagang nagising yung batang yun. Dahil daw may basketball practice sila ngayon", Sagot ni Manang Flory. Napakunot ako ng noo,
sino nang kasabay ko magpunta sa school? (╥﹏╥)

Maglalakad nalang ako. Total naman medyo malapit lang yung Sevit High dito sa subdivision namin. Para makapag-exercise man rin ako kahit papaano.

"Manang! Alis na ho ako! Mag-iingat po kayo jan", Paalam ko kay Manang Flory habang nagwawalis siya sa terrace. "Ikaw din, iha. Mag-iingat ka!", Ngumiti ako bilang sagot.

Naglakad ako papunta sa school. Ngayon lang ulit ko nakapag-lakad ng malayo. Maganda rin siguro na maglakad. Madami kong nakasabay na kapitbahay namin.

Isang oras ang nakalipas, nakita ko na yung main gate ng Sevit High. Napahinga ako ng malalim. Sa wakas, nakarating na din ako. ╯﹏╰

Nang makapasok ako sa main hallway,  ay nakita ko si Casey na kumakaway sakin sa lockers. "Sabby!", Bati niya sakin nang makalapit siya sakin.

"Hi! Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry, naglakad kasi ako papunta dito", Bati ko din sa kanya habang binubuksan yung locker ko.

"Kadarating ko lang din. Teka, naglakad ka papunta dito??", Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Magsasalita pa sana siya kaso bigla ko siyang hinila papunta sa classroom namin. Pagpasok namin ay nakita namin yung Infinity5 na nakaupo na sa upuan nila. Himala ata, ang aga nila pumasok ngayon. Ugh why do I even care?

Umiling nalang ako at naglakad papunta sa desk ko. Nagring na yung bell sa main hallway, means kailangan nang pumasok lahat ng estudyante sa classroom nila.

Pumasok si Ms. Park at nagsimula nang magturo. Inilabas ko yung notebook ko at nagsimula nang magtake ng notes. Siguro habit na din ng estudyante na tuwing may sinusulat yung teacher sa harapan, isusulat din nila sa notebook nila.

"In this assignment, I will pair you guys. You will present this experiment next week. I want you to cooperate with each other", Paliwanag ni Ms. Park. "Liam and Rhea, Veronica and Raven..", Panimula niyang sabi sa pairs.

"Casey and Drake..", Nakita kong nanlaki yung mg mata ni Casey nang marinig niya yung pangalan niya.
Well, who wouldn't be surprised kung ang magiging kapartner mo is member ng Infinity5?

"Sabrina and Grey...", Bigla akong nagulat nang marinig ko yung pangalan ko. My eyes getting two times bigger. "Okay that's it, do your best for this assignment. Don't disappointment me. Class dismissed", Pagtatapos ni Ms. Park bago siya lumabas ng classroom.

Napayuko ako sa desk ko. Paano ba naman kasi, kapartner ko si Grey. Not only Grey, but Grey the leader of Infinity5. Baka mamaya inaabangan na ko ng mga crazy fangirls nila sa labas.

"Sabby! Samahan mo ko sa chemistry lab, may pinapakuha si Mr. Venitez sakin eh. Para daw dun sa upcoming science fair", Aya sakin ni Casey habang papalabas kami ng classroom namin.

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobDove le storie prendono vita. Scoprilo ora