Chapter 9

12.9K 418 57
                                    


CHAPTER 9: THE BEAUTIFUL NERD

[Casey's Point Of View]

"Anak! Gising na!", Napadilat ako nang makita ko ang aking pinakamamahal na Mudra. Ngumiti ako at binati siya. "Good morning, Ma!",. Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo at maghanda. Hindi ko pa din makalimutan yung mga nangyari kahapon! Like as in! Oh my gosh! Kilig to the max ang bonggang announcement nitong si Grey. 

"Nakita ko yung post mo kahapon sa facebook, anak. Naku! Ang ganda ni Sabrina! Parang artista ang itsura niya!", Puri ni Mama habang kumakain kami ng almusal. "Syempre naman, Ma! Sakin nagmana yang bestfriend ko! Sigurado ako patay na patay na lahat nang mga lalaki naming kaklase sa kanya, sorry sila taken na siya!", Comment ko bago magpatuloy sa pagkain.

Nagpost kasi ako ng picture namin kahapon ni Sabby. And guess what? Peymus na po ang mga ateng niyo! Aba nakakuha lang naman ako ng 349 likes at 196 comments in one day! Pati sa group chat nang klase namin siya ang pinag-uusapan, sa Sevit High facebook page, siya rin ang topic! Duh!~ Kanino pa ba maggagaling yan lahat kundi sakin! Ako lang naman ang nag-suggest, besides sadyang maganda lang talaga kaming dalawa ni Sabby. *hair flips*

"Tama na nga yang pagpapantasya mo! Pumasok ka na at naghihintay na si Kuya Julio sa labas para ihatid ka!", Utos sakin nang nanay ko. Kaagad akong tumayo at niyakap siya bago magpaalam. "Bye, Ma!",.

"Hi Kuya Julio! Kamusta na yung nililigawan mo? Ano sinagot kana?", Tanong ko kay Kuya Julio. Siya yung driver namin dito sa bahay. "Good morning, Casey! Kami na! Kahapon lang niya ako sinagot!", Tuwang sabi niya. "Yiee! Sabi ko sayo destined kayo eh!", Sabi ko bago sumakay ng kotse. 

Habang nasa byahe ay biglang tumunog yung phone ko. Bigla akong kinilig. "Naku, yan ba yung poging lalaki na nandito kahapon? Si Drake?", Tanong ni Kuya Julio. Tumango ako habang abot tengang nakatingin sa phone ko. Paano ba naman kasi, nag-text tong si Drake sakin! Yiee!~

-Casey, nakalimutan mo yung powerbank mo sa van kahapon. Mamaya ko nalang bigay sayo pagpasok mo. Hintayin kita dito sa main hallway. Bye ;)- Drake<3

Oh! Nakakakilig diba?! Partida may heart pa yung pangalan niya sa mga contacts ko. Matagal ko nang crush tong si Drake, simula pa lang nung nasa dati pa akong school ko. Infinity5 was very popular kahit saang school ka mapadpad. Pero hindi si Grey ang naka-agaw nang pansin ko, kundi si Drake. Nakakainis nga eh, kasi kaibigan lang yung turing niya sakin. Pero okay na rin yun, basta nag-uusap kami at magkasama kami. Sana lang maramdaman din niya yung nararamdaman ko. 

Anyways, tama na ang kwento Casey! 

Nang makarating kami sa Sevit High ay dali-dali akong tumakbo sa main hallway. Napangiti ako nang makita ko si Drake na nakatayo sa gilid nang locker ko. Ohmygod, ang pogi!! "Drake!", Tawag ko sa kanya nang lapitan ko siya. Nginitian niya ako pabalik at ibinigay sakin yung powerbank ko. "Hi, Casey. Ito yung powerbank mo. Tara, naghihintay na sila sa loob nang classroom", Aya niya. 

Since nasa third floor pa yung classroom namin at out of order yung elevator, naglakad kami sa hagdan. Tahimik lang akong naglalakad paakyat nang hagdan. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ko, sadyang hindi lang siguro ako sanay na kasama si Drake na mag-isa. Kinikilig ako. 

"Uy, bat' parang ang tahimik mo?", Natatawang tanong niya sakin. "H-Ha? Hindi ah! Napapagod na kasi akong maglakad eh", Sagot ko. Wow ang galing mo magsinungaling, Casey. Bravo. "Dito nalang muna tayo saglit", Ani niya bago maupo sa lapag ng hagdan. Tumabi ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa bintana na kaharap namin, kitang-kita kasi yung field sa labas. 

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now