Chapter 22

7.4K 214 35
                                    

CHAPTER 22: WONDERFUL PROM NIGHT

Sabrina's POV:

*buzz* *buzz*

Naramdaman kong may nagvibrate sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino iyon.

-Caseybessy-

Sabby! Mamaya pupunta tayo sa salon ha?! Exactly four o'clock. Also bring your gown with you! Labyu!

Nireplayan ko yung text niya ng 'okay' at nagindian sit. Tinignan ko muna yung social media accounts ko bago bumaba sa kusina para magalmusal.

Habang kumakain ng almusal ay nakita kong may nagtext sa phone ko.

-Caseybessy-

And also, pack your things for our vacation. Sa Wednesday daw tayo aalis, nine o'clock in the evening. Magpaalam ka na kay Tita Faith

What?! Sa Wednesday kami aalis?! Bakit ang bilis naman!? Ilang araw ba kami dun?!

Sa Monday nalang ako magpapaalam kay Mama. Total naman eh sa Wednesday pa kami aalis.

"Ate!! Yung toothbrush ko!?!" narinig kong sigaw ni Denver sa taas.

"Hindi ko alam! Hanapan ba ako ng nawawalang gamit?!" sigaw ko sa kanya.

"Takte talaga yung si Xavier! Ninakaw ba naman yung toothbrush ko sa cr!" sabi niya habang bumababa sa hagdan.

"Maayos na pala yang paa mo eh, ibig sabihin pwede kana pumasok"

"Buti pa nga yung mga seniors eh! May paone-month one-month break pang nalalaman! Samantalang kami may pasok pa din!" naiinis na sabi niya at naupo.

"Nag-aya nga sila Casey magswimming eh" sabi ko.

"Naku ate! Huwag kang magbibikini ah! Maeexpose yung fats mo!"

Aba! Inasar pa ako ng mokong!

"Gusto mong magkaron ka ulit ng injury? Sabihin mo lang" sabi ko.

"Joke lang. Teka ate, di ba hindi ka marunong lumangoy??" tanong nito habang nakangiti na abot hanggang tenga.

Putspa. Pinaalala pa sakin na hindi ako marunong lumangoy.

"Mamaya, ikaw lang ang maiiwan dito sa bahay. Kaya kailangan pag-uwi ko mamaya hindi mukhang zoo tong bahay natin"

"Oo na ate, tatawagan ko nalang sila Cypher. Hindi ka pa ba aalis??"

Takte talaga tong kapatid ko, Pinapaalis na kaagad ako eh mamaya pa yung prom.

"Aakyat lang ako sa kwarto, aayusin ko na yung gamit ko" sabi ko at umakyat papunta sa kwarto.

Naramdaman kong nagvibrate ulit yung phone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at tinignan.

-Drake-

Good morning Sabby! I just want to inform na sa next Saturday na yung birthday ni Grey. Kaya kailangan mo kaming tulungan sorpresahin siya. And also if you don't mind, bring a gift. It's a special birthday. Thanks! See you later!

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon