Chapter 23

8K 220 33
                                    

CHAPTER 23: THE HAPPY TRIP

Sabrina's POV:

"Anak!! Nahanda mo na ba yung mga gamit mo?!" narinig kong sigaw ni Mama. It's actually Wednesday, at andito ako ngayon nagaayos ng mga dadalhin ko.

Bumaba ako at nakita si mama at si Denver. "Handa na ba yung bikini mo ate?" tanong ni Denver. Akala ko ba naman kung anong itatanong ng loko.

"Gusto mo talagang magkaron ulit ng injury noh?" sabi ko.

"Joke lang, sige Ma! May pupuntahan lang kami nila Cypher. Bye ate!" sabi ni Denver at lumabas ng bahay.

Nakarinig kami ng busina sa labas. Andyan na siguro sila.

"Anak! Andyan na yung mga kaibigan mo!" tawag sakin ni Mama.

"Hello po Tita! Tulungan ko na po kayo!" sabi ni PJ. "Mag-iingat kayo ha?! Sabrina anak! Itext mo ko ha?!" sabi ni Mama habang niyayakap ako.

"Opo Ma! Mag-iingat din po kayo ni Denver!" sabi ko nang makasakay ng ako sa van.

"Let's go~!" sigaw ni Casey. Nasa tabi ako ng bintana, at si Grey naman ang katabi ko. He was actually sleeping.

"Hindi siguro nakatulog yang si Grey. Inaantok pa siya kanina nung sinundo namin eh" sabi ni Drake.

Mahaba-haba din ang byahe. As in, mga ilang oras na din kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa van. At ngayon lahat sila natutulog.
Ako naman, nakatingin lang sa bintana. Alam niyo kung bakit hindi ako makatulog? Kasi yung ulo ni Grey nasa braso ko. Tas nakayakap pa siya sakin. Kaya hindi ako makagalaw.

Mga ilang minuto pa ay nakaramdam na din ako ng antok kaya nakatulog ako.

After so many hourssss.....

"Guys guys!! Sasakay na tayo sa yate! Magsigising na kayo!!"

Iminulat ko yung mga mata ko may nakitang mga yate sa labas. "Andito na kaagad tayo?" inaantok na tanong ni Grey habang kinukusot ang mata.

"Oo bro! Ikaw ang tour guide namin ngayon! Kaya gumising ka na! Kanina ka pa natutulog!" sigaw ni Drake sa labas.

Bumaba kami ng van at sumakay sa yate. 'This is my dad's yacht. Don't you all dare destroy anything in here" sabi ni Grey.

Nagsimula nang umandar yung yate. Ang laki sa loob, pero kapag nakita mo sa labas eh akala mo maliit lang.

May tatlong kwarto din. Tas may kusina at terrace. Ang ganda~!

Nag-usap usap sila kung sinong magkakaroommate. And syempre, karoommate ko si Casey. Sabi kasi nila eh baka hating gabi pa kami makarating sa isla.

"Guys! Sa labas tayo! Ang ganda ng view!" aya ni JM, nagpunta kami sa labas at naupo.

Nakita ko si Grey na may hawak-hawak na gitara. "Ayos! Anong gusto niyong kanta?" tanong ni Jonathan habang binigay sa kanya ni Grey yung gitara.

"Harana by Parokya ni Edgar!" sabi ni Casey.

Nagsimula nang tumugtog si Jonathan. At kumanta silang lima. God, I feel like I'm watching a performance of them.

Uso, pa ba ang harana?~
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta, at nagsisintunado sa kaba~
Meron pang dalang mga rosas, suot na may maong kupas, at nariyan pa ang barkada~ nakaporma't nakabarong. Sa awiting daig pang minus one at sing along~

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobDär berättelser lever. Upptäck nu