Nagsimula na yung laro. And still, i'm thinking of where is Sabrina. Pupunta kaya siya? I just hope so. I think I can't play without her presence.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabrina's POV:

"Manang! May pupunta--"

Napatahimik ako ng hindi si manang yung makita ko sa kusina.

"Mama!!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.

"Good morning din anak! Naku! Tamang-tama lang pala ang uwi ko. May sakit pala yung kapatid mo"

Teka!? Yung game! Sigurado magsisimula na yung laro nila Grey! Malalate na ako!

"Ma! Kailangan ko nang--"

"Naku! Anak! Samahan mo pala muna ako. Pupunta tayo sa birthday nung childhood best friend mo"

What?!?! Pano yung laro?! Sigurado magtatampo sakin sila Grey dahil hindi ako nakapunta!

Pero, si Mama. Kailangan kong sumama, magtatampo din to sakin.

Ohmygod! Kailangan ko talagang mamili sa kanilang dalawa?!?

"S-sige, Ma. N-ngayon na ba?"

"Oo anak! Andito naman si Manang para alagaan si bunso. Sayang, hindi siya makakasama satin!"

Ngayon lang naman to eh. Siguro naman hindi magagalit si Grey. Itetext ko nalang.

Tinignan ko yung phone ko. Nagtext pala si Casey.

-Caseybessie-

Uy! Sabby! Kanina ka pa hinahanap ng boyfie mo! San ka na ba?

Shit. Kanina papala nila ako hinahanap. Sigurado nagsisimula na yung laro nila. At wala ako doon para bigyan sila ng support!

-Sabby-

Sorry Casey! Pakisabi nalang kay Grey na andito kasi si Mama sa bahay. And aattend kami ng birthday. Please explain nalang. Thank you! Mwah!

Reply ko at naghanda na para umalis. Wrong timing naman si Mama eh. T^T
"Anak! Halika na! Aalis na tayo!" narinig kong sigaw ni mama.

Bumaba ako at sumakay na nang sasakyan. Napabuntong hininga nalang ako.

Isang oras lang din ang byahe at nakarating kami sa bahay ng childhood bestfriend ko.

"Kumare Faith! Andito na pala kayo ng anak mo! Naku! Teka tatawagin ko lang si Kiel" sabi ni Tita Andy.

Si Kiel pala, nakalimutan ko na siya pala yung childhood bestfriend ko dati. Matagal na panahon na din pala.

May lumapit saming matangkad na lalaki. Kasing edad ko lang din. At nakasuot nang pormal na damit.

"Sabrina, this is my son Kiel" pakilala sakin ni Tita.

He just smiled at me. "Hello" sabi ko.

"Hi, it's been a long time Sabrina. Naaalala ko pa nung may suot kang glasses. You still look pretty back then"

"Thank you. Ikaw din hindi ka nagbago"

The Campus Nerd meets The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now