Chapter 4 ♬ So Different

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabigat na ibinagsak ni Nathan ang katawan sa may sofa. Halos tumalbog roon si Rico.

"Chillax! Maaga pa naman eh. Bakit may date ka ba mamaya?" sita ni Nathan sa kanya.

"Hindi." Sabat ni Shane habang kunwaring idina-drums ang hawak na drum sticks sa hangin. "Tatakasan niya lang 'yung mommy niya dahil siguradong pagbabantayin na naman siya kay Nica."

Rico groaned and rolled his eyes. "Thanks Shane sa pagpapaalala."

"You're welcome."

Nagsitawanan na lamang kaming tatlo.

Si Nica 'yung makulit na bunsong kapatid na babae ni Rico. Ayaw na ayaw niyang inaalagaan iyon dahil sa sobrang kulit. Kahit kami minsan ay napapasuko sa paghahabul-habol sa kanya. Ayaw pa man din ni Jace ng maingay.

"Ano na palang balita roon sa sinasabi mo sa aming babae?" mayamaya ay tanong sa akin ni Nathan.

"Sinong babae?"

"Si 'mysterious girl?"

Napakunot-noo ako. "Ha?"

Napaikot na lamang siya ng mga mata. "'Yung anak ng kaibigan ng papa mo na sobrang talented at palaging punuan at standing ovation ang mga concert?"

"Wow memorize!" namamanghang sita ni Rico sa kanya. Kinindatan lamang siya ni Nathan sabay ngisi.

"Matalas yata ang memory nito ano."

"Oh, that girl." Bumuntong hininga ako dahil sa reyalisasyon. "Hindi pa eh."

"Ang hina naman! Mamaya 'yun na pala ang destiny mo."

Natatawa kong hinampas ang unan sa tabi niya. "Destiny mo mukha mo!"

"Pero magaling siguro talaga iyon ano? Si tito pa man din 'yung taong pihikan talaga pagdating sa music."

"Siguro nga. She might be really special." Wala sa sarili kong sagot, malayo ang isip noong mga oras na iyon.

Tito ang tawag ng mga kabarkada ko kay dad kapag kami-kami lang pero kapag nasa labas na, Mr. Valdez na rin ang tawag nila tulad ko. Si dad ang Headmaster ng Music Department at siya rin ang nagtatag ng Princeton Band ng Princeton E. Academy kung saan ako kabilang. Siya man ang dad ko ngunit hanggat maaari sabi niya sa akin tawagin ko siya bilang Mr. Valdez kapag nasa loob kami ng school. Ewan ko kung bakit ipinipilit niya. Siguro for professionalism kaya hinayaan ko na.

Inilabas ko ang gitara sa casing nito at saka inayos. Itinono ko rin ang strings. Nagalaw kasi yata ni Nathan kanina noong hinawakan niya.

Bata pa lang noong nahilig ako sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Si dad ang palaging nagtuturo sa akin. Magaling kasi siya pagdating dito.

Sikat ang Princeton Band sa buong school kaya kaming lima na miyembro nito ang pinaka kinagigiliwan sa buong academy. Pangarap ni dad na makapasok ang Princeton Band sa national audience, kaya naman sa nalalapit na Battle of the Bands ay talagang naghahanda kami.

Palagi ko mang nakakasama si dad lalo na sa band practice, hindi ko masasabing malapit kami ng sobra sa isa't isa. Pakiramdam ko may malaking harang na humahadlang sa pagitan namin. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman ko, siya mismo ang lumalayo sa akin sa tuwing lumalapit ako.

I love music and that's the truth. Masaya akong tumutugtog at iyon ang totoo pero higit sa ano pa man, gusto ko ring mapatunayan ang sarili ko kay dad.

I want him to be proud of me.

Hindi puro si kuya and this mysterious girl na laging ibinibida sa akin ni dad noon pa man. Anak daw ng isa sa mga matatalik niyang kaibigan. Magaling daw at talagang may talent sa music. Minsan kapag my business tour siya lalo na sa ibang bansa nanonood siya ng concert o kaya recital nito at talagang standing ovation daw lahat ng tao. Pag-uwi niya rito sa Pilipinas, iyon na lang ang lagi niyang bukambibig. Minsan hindi ko maiwasang makaramdam ng selos dahil buti pa 'yung babaeng 'yun napapansin niya, samantalang ako na anak niya hindi niya makita.

Pero ayos lang 'yun, ganu'n siguro talaga ang buhay. Gagalingan ko na lang talaga dito sa banda para ipakita sa kanya na may talento rin ako.

"Gusto ko siyang makita. Kahit sa picture man lang." Naalala ko pa kung paano humaba ng konti ang nguso ni Rico dahil sa pag-iisip ng maari nitong maging itsura. Naikukwento ko na rin kasi sa kanila ang tungkol doon.

"Maganda siguro." Suhestyon ni Nathan.

"At sexy." Dagdag pa ni Rico.

"Maybe she has an accent?"

"British accent is sexy."

"No. French accent is sexier."

Pinaningkitan ng tingin ni Rico si Nathan. "British."

"French. Ow!" Binatukan sila ni Shane gamit ang hawak na drum sticks kaya agad silang napahapo sa ulo. "Ano ba, Shane! Mananalo na nga ako kay Rico eh!"

"Magsitigil nga kayo. Para kayong mga bata."

"Para walang away Filipino na lang." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Jace.

Nagtaas ako ng kamay. "I second the motion!"

Napatigil kami ng tawanan no'ng biglang bumukas ang pinto.

"Guys meet Serene Lopez ang bagong member ng ating banda." Ito ang unang pambungad ni dad pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng pinto kasama ng sinasabi nila Nathan na bago raw naming miyembro kaya napatingin kami roon.

At ito ay walang iba kundi isang... babae.

Hindi namin naitago ang pagkagitla noong makita ang taong kanina pa namin hinihintay. Kahit pa si Jace na nakaupo sa isang sofa sa may gilid ay napatingin. Katulad ko ay kunot-noo ang mukha niya dahil sa pagtataka.

Babae ang bagong miyembro ng banda? And her name was Serene.

Magmula noong araw na iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili na sundan siya ng palihim. Nakita ko kung paano siya makipagtawanan sa mga kaklase niya, kung paano siya makipagkwentuhan at higit sa lahat kung paano siya makisama sa ibang tao.

Nakakatuwa siya. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa kanya.

Kaya naman noong makita ko siyang kausap ni dad sa labas ng band studio habang nagpapraktis kami. Parang may kung anong lungkot akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Magsisimula pa lang sana akong kumanta noong napahinto ako dahil bigla siyang tumakbo palayo.

Bakit siya lumuluha? Bakit may lungkot sa kanyang mga mata?

Napahawak ako sa aking dibdib.

Sa bawat impit niya ng iyak upang maitago ang nararamdaman, bakit parang ang puso ko ay unti-unti ring nadudurog kasama niya?

Sino ba siya para makaramdam ako ng ganito? Sino ba siya para guluhin ang isip ko magmula noong makilala ko siya?

There was something different about her, especially with her eyes. Para itong nangungusap. Para bang sa likod ng mga kalmadong mga matang iyon... may nakatagong kakaiba.


© G. J. Dion (wistfulpromise) 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon