Chapter 2 ♬ Welcome to the Band

Start from the beginning
                                    

"Halika na Ms. Lopez. Gusto kong magpasalamat sa pag-vo-volunteer mo sa Music Department."

O? Aba sa Music Department pala ako napunta.

Ay teka... sandali. Music department? As in, MUSIC DEPARTMENT?! Sigaw ng utak ko.

Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko dahil sa reyalisasyon.

Naku naman! Pinakiusapan ko si Mr. Alcantara na doon ako sa Art Department! Sa pagkakaalala ko, pumayag siya. Bakit ngayon sa Music Department na? Hala. Pilit kong nilunok ang laway na namumuo sa lalamunan ko. Isa lang ang masasabi ko.

Ayoko rito.

Kung dito lang din ako mapupunta, mas gugustuhin ko na lamang na huwag na akong mag-volunteer. Ngayon pinagsisihan ko na. Sana pala sumama na lang ako kay Abby at hindi rito. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng departamento kung saan ako pwedeng mapunta, dito pa?

Humakbang ako palayo mula kay Mr. Valdez na halos kasunod ko lang. "Ah, sir teka lang po," sambit ng mga labi ko na hindi niya yata narinig dahil patuloy pa rin siya sa paglalakad. Napakabilis at napakalakas ng kabog ng puso sa aking dibdib. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kung hindi hinawakan ni Mr. Valdez ang likod ko para papasukin sa loob hindi na ako gagalaw para ihakbang ang mga paa ko. Napalunok ako bigla at napakapit sa may pader malapit sa pintuan. Ayoko rito. Ayoko.

Nanginginig kong sinulyapan si Mr. Valdez. Ilang beses kong sinubukan na sabihin sa kanya na hindi ko na itutuloy ang balak ko. Ngunit kahit anong gawin ko parang walang lumalabas na anumang salita sa aking mga labi. Noong muli kong mahanap ang boses para masabi na hindi na ako tutuloy, huli na ang lahat dahil binuksan na ni Mr. Valdez ang pinto. Gayunman, hindi ito ang lubos na ikinagulat ko, kundi ang mga sumunod na sinabi ni Mr. Valdez na para bang bangungot sa aking pandinig.

"Guys meet Serene Lopez... ang magiging bagong miyembro ng ating banda."

"O, Rene bakit ka ginabi ng uwi? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Ate Desi pagkapasok ko sa loob ng bahay namin.

"Pasensya na ate, nag-volunteer po kasi ako sa school ngayon." Binigyan ko siya ng ngiti at tawa. Isang bagay kung saan ako kilala. "Nakakapagod nga po eh."

"Ah, gano'n ba? Kumain ka na ba?"

"Busog pa po ako ate pero salamat. Sige po akyat na ako." Pagkatapos ng isang huling kaway at ngiti ay nagmadali akong umakyat sa taas. Hindi ko siya tiningnan sa mata dahil pakiramdam ko makikita niya ang tunay na emosyon na itinatago ko rito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay huminga ako nang malalim at pumikit. Sumandal ako sa may pintuan at inilapag ang mga gamit ko sa baba. Kasabay nito ay ang dahan-dahan ko ring pagbagsak habang nakasandal pa rin sa pinto. Inilapit ko sa mukha ang aking mga hita at umupo na parang nakikipaglaro ng tagu-taguan. 'Yon nga lang ang problema na kinahaharap ko ngayon ay hindi isang laro. Totoo ito at walang lugar para magtago.

Bakit kasi kailangan pang mapunta ako sa Music Department sa dinami-rami ng lugar? Tanong ng isip ko na wala pa ring kasagutan.

Naramdaman ko na lang bigla ang pagtulo ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Lungkot, sakit, at inis. Naghalo-halo sa aking dibdib at hindi ko na mawari kung ano ang dapat maramdaman. Idagdag mo pa ang nakakainis na mga lalaking nakilala ko sa banda na tinutukoy ni Mr. Valdez kanina. Argh! Nakakainis! Muli ay naalala ko tuloy ang nangyari kanina pagkapasok na pagkapasok ko sa pintuan na iyon.

"Ah, sir teka lang—" hindi ko na ito nakumpletong sabihin dahil binuksan na ni Mr. Valdez ang pinto. Sa totoo lang kung pwede lang tumakbo palayo noong mga oras na iyon, ginawa ko na. Mga letse kasing paa. Kung kailan kailangan doon hindi gagalaw!

Listen To My SongWhere stories live. Discover now