"Bakit? Saan mo ako dadlhin?"

"It's a secret." He winked at me. Hindi ko mapigilang mamula.

"Kyaa!"

"Gosh! Kakilig!"

Tili pa more, Hazel at Mandy. Mapaos sana boses niyo.

"Busy ako. Si Hazel na lang ang isama mo." Tiningnan ko si Hazel. "Ikaw na lang ang sumama sa kanya."

"Sorry. Hindi ako pwede. Marami pa akong gagawin eh." Sagot niya.

Binalingan ko si Mandy. "Ikaw na lang kaya, Mands?"

"Tutulungan ko pa sila dito."

Potek naman ang dalawang 'to. Ayoko nga sumama eh. Wala ba silang support saken?

"Hindi ako pwedeng sumama. Baka pagalitan ako ni manager." Sabi ko kay Ezekiel.

"I've already talk to your manager."

Bumuntong hininga ako at napahilamos sa mukha ko. Hindi talaga ako tatantanan ng lalaking 'to. Mapilit talaga.

"Ayoko pa rin--" hinila niya bigla ang kamay ko at lumabas kami ng coffee shop. "Ano ba oy! Bitawan mo nga ako! Ano baaa!"

Pinasok niya ako sa kotse niya. Nagpumiglas ako para lumabas kaso bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang lapit ng mukha niya! Nanlaki ang mga mata ko at napatitig ako sa kulay grey niyang mga mata. "O-oy, a-anong g-gagawin m-mo?"

Ngumiti lang siya saken. Mas lalo tuloy siyang gumagwapo dahil sa dimples sa magkabilang pisngi niya. Jusko!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatingin naman siya don. Napapikit ako dahil unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin. H-hahalikan niya ako?!

"Please don't do that.." He whispered in my ear. Then I heard a click sound. Minulat ko ang mga mata ko at wala na siya sa harap ko. Then the next thing I knew, umandar na ang kotse niya at umalis na kami.

I blink many times and tried to absorb what just happened. And then I realize...

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at nagdial ng 911.

"What are you doing?" Tanong niya at tumingin saken.

"Tatawag ako ng pulis!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Pulis? Why?"

"Anong why ha?! Kinidnap mo ako! Kaya ipapakulong kita!"

"Hey, please don't call a police. I'm not kidnapping you."

"Lokohin mo lelang mo! Kidnapping pa rin 'to!"

"Okay, I'll stop the car just don't call the police."

"Ayoko!"

Bakit ba ang tagal sumagit ng pulis na 'to--"Hello?"

Thank heavens! "Hello, mamang pulis! Tulungan niyo---ARAY!" Bigla kong nabitawan ang cellphone ko at muntik nang mauntog ang ulo ko sa harap dahil sa biglaan niyang paghinto.

"Shane, are you alright?" Alalang tanong niya.

"Siraulo ka! Bakit bigka mo na lang hininto ang kotse?!"

"Because you're calling the police."

"Aba dapat lang na tumawag ako ng pulis! Baka kung ano pa ang gawin mo sakin!" Yumuko ako para hanpin ang cellphone ko. Nang makita ko na kukunin ko na sana kaso mah nakauna saken at yun ay walang iba kundi si... "Ezekiel, akin na nga yang cellphone ko!"

Aagawin ko na sana ang cellphone ko kaso bigla niyang nilayo ang kamay niya. Bwiset!

"Ano ba! Akin na ang cellphone ko!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong agawin sa kanya ang cellphone ko.

"No. Hindi ko 'to ibibigay sayo. Baka tumawag ka na naman ng pulis."

"Akin na sabiii!"

"Ayoko."

"Akin naaa!"

"No."

Kulit ng lalaking 'to! Ayaw mong ibigay ah? Tingnan natin kung ayaw mo pa rin ibigay kapag ginawa ko 'to sayo! Humanda kaaa!

"Ayaw mo talagang ibigay?"

"Ayoko."

Okay fine! Sunod kong ginawa ay kinurot ko ang tagiliran niya. Yung sobrang sakit talaga!

"OUCH!" Sigaw niya kaya agad akong kumilos at inagaw sa kanya ang cellphone ko. Haha! Success! "Ang sakit.." Sabi niya habang hinihimas ang magkabilang tagiliran niya.

"Serves you right! Bleh!" I stuck my tounge out like a child.

Mabilis akong nagdial at mabuti na lang nagring ito.

Pero...

"The number you have dialled is not enough to complete this transaction. Please reload immediately."

Bwiset. Wala nakong load!

Napapikit ako ng madiin at dahan-dahang binaba ang cellphone kong wala ng load. "Bwiset wala nakong laod." Bulong ko. Last load ko na pala yung ginamit ko kanina!

Narinig ko siyang tumawa. Tiningnan ko siya ng nakamamatay na tingin. Agad niyang tinikom ang bibig niya. Huminga ako ng malalim at hinilot-hilot ang ilong ko.

"Listen, Shane. I don't have any intention to harm you. Just trust me." Sabi niya.

"Trust you? How can I trust you?"

"Just trust me."

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

Muli niyang pinaandar ang kotse niya. "It's a secret."

Shunga pala 'to eh. Kainis. Tiningnan ko siya habang nagmamaneho at nakatingin sa harap. "Masakit ba?"

Nilingon niya ako tapos balik ulit sa harap. "Huh?"

"Yung kurot. Masakit ba?" Alalang tanong ko. For sure namumula na ang tagiliran niya dahil sa kurot ko.

"It still hurts. But not that much."

"Sigurado ka?"

Nilingon niya ulit ako at ngumiti siya. "Nag-aalala ka sakin?"

Natauhan ako bigla. Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi ah."

Bwiset. Hindi ako nag-aalala sa kanya ah! Hindi!

Love You Like CrazyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ