Bet Your Heart ♡ Chapter 31

Start from the beginning
                                    

Nag-apir naman 'yong dalawa.

Tahimik lang si Lianne na parang nagtataka kung bakit ko kinakausap ang mga tambay. Hindi naman sa ayaw ni Lianne sa mga tambay, hindi niya lang siguro akalain nag magkakaroon ako ng kaibigan na katulad nila. Well... hindi naman masamang naging kaibigan ko sila, nakakatuwa pa nga.

"Tara na nga, Babe. Hayaan na natin 'yang mga ugok na 'yan," tatawa-tawa kong sabi.

Pumuntan na kami sa stall ng nagtitinda ng fishballs, kikyam, squidballs, kwek-kwek at kung anu-ano pang street foods. Wala kiyemeng tumusok agad si Lianne doon sa kawali. Mukhang gutom na nga siya, pero bukod doon, mahilig din talaga siya sa street foods.

"Kilala mo 'yong mga tambay dito sa labas?" tanong niya habang kumakain kami.

"Oo," sagot ko sa pagitan ng pagnguya.

"Paano? Tumatambay ka rin dito?"

Sumubo ulit ako ng fishball. "Oo, minsan... kapag broken hearted."

Totoo ang sinabi ko. Kapag broken hearted ako, dito ako tumatambay. Kailan ako broken hearted? Kapag nakita kong may bago na namang boyfriend si Lianne. Ang mga tambay dito ang ilan sa mga nakakaalam ng nararamdaman ko kay Lianne.

"Talaga?" Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit? Masama bang makipagkaibigan sa mga tambay?" tanong ko sabay tingin sa kanya para makita ang ekspresyon niya.

Tumingin din siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Hindi."

"O, hindi naman pala, eh. Bakit parang hindi kapani-paniwala 'yong sinabi ko?" Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain at sumubo ng fishball ng dalawang beses.

"Hindi naman iyon ang hindi kapani-paniwala sa sinabi mo, eh."

Napatingin ako ulit sa kanya. "Eh, ano?"

"'Yong part na broken hearted ka?" It doesn't sound like a question but more of a statement.

Sumubo din ulit siya na parang wala siyang sinabi. Ano nga ba ang alam niya? 'Di ba, wala naman? Kasi nga nasabutahe na naman ang balak kong pag-amin sa kanya noong nakaraan. At hanggang ngayon hindi ko pa alam kung kailan ulit ako magkakalakas-loob.

"I had a broken heart so many times," seryosong pag-amin ko sa kanya.

Natawa lang siya sa sinabi ko. "Ang drama mo! Kain ka na lang. O, ito." Itinapat niya 'yong isang fishball sa bibig ko.

At dahil gusto ko ang gesture niya, hindi na ako nagpakipot at kinain na lang iyong isinusubo niya sa akin. Medyo sumagi sa gilid ng bibig ko 'yong fishball kaya pinunasan niya ang gilid ng bibig ko a may sauce.

Parang nag-slow motion ang paligid at siya lang nakikita ko. Ganito ba talaga? Akala ko dati, kakornihan lang ang sinasabi ng mga babae na ganito, pero ngayon ko napatunayang totoo pala. Ngumiti pa siya sa akin at parang natunaw na yata ang puso ko dahil doon. Nagulat na lang ako nang tinampal niya ako ng mahina sa pisngi.

"Bakit nakatulala ka sa'kin, ha?" nanunukso niyang tanong. "Ang ganda ko, 'no?"

Bumuka ang bibig ko pero isinara ko ulit iyon bago pa ako may masabing kung ano. Anak ng tokwa! Huwag niya akong ginaganyan dahil baka mahalikan ko na lang siya bigla at magwala ang mga tambay dito sa labas.

Bago pa siya makapang-asar ulit, sinubuan ko rin siya ng fishball. "Kumain ka na lang."

Hanggang sa nagsubuan na lang kami nang nagsubuan ng fishballs habang nagtatawanan. Mukha kaming ng batang nagpi-PDA dito sa harap ng tindahan. Iyong mga tindera naman, pangiti-ngiting tumitingin sa amin na parang kinikilig din.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now