Bet Your Heart ♡ Chapter 31

Start from the beginning
                                    

"H-hindi, 'n-no!" tanggi niya. "B-bakit naman ako matatakot sa'yo?"

"Kasi pogi ako at baka hindi mo mapigilan ang sarili mo na halikan ako sa dilim?" nanunukso kong sagot.

Gusto ko na siyang tawanan sa hitsura at kilos niya. Halata naman kasing nagde-deny lang siya. Bakit kaya ang dali niyang basahin? At bakit ba palagi niyang itinatanggi ang nararamdaman niya?

"Tse! T-tara na kasi! Nagugutom na ako." Hinila niya ulit ako pero hindi pa rin ako nagpatangay.

Bukod sa gusto ko pa siyang makasama, nag-e-enjoy pa ako sa pang-aasar sa kanya. Makabawi man lang sa lahat ng inis na naramdaman ko ngayong araw.

"Ayoko pa ngang umuwi," ulit ko. "Nasabutahe na nga ang buong araw ko, tapos ayaw mo pa akong pagbigyan na makasama ka pa?" parang nanunumbat kong sabi.

Umipekto naman sana ang drama ko at pagbigyan niya ako. Dahil kung hindi, magtatampo na talaga ako ng totoo.

"Oo na. Sige na. Pero ayoko doon sa madilim!" halatang napipilitan niyang pagpayag.

At dahil nagdadrama-dramahan na rin naman ako, itutuloy ko na.

Nagbuntong-hininga ako at saka siya hinila na para maglakad. "Sige, umuwi na lang tayo. Napipilitan ka lang naman kaya h'wag na lang."

Oo, alam ko na kanina ko pa siya bigla-bigla na lang hinihila. Nagbabakasakali lang naman ako na matalisod siya. Hindi dahil gusto ko siyang mangudngod o ano. Kundi dahil handa naman akong saluhin siya.

Enk! Pogi na sana, bumabanat pa ng kakornihan! apela ng KJ na parte ng isip ko.

"Babe, hindi! Basta pakainin mo na lang ako. Nagugutom na talaga ako," sabi niya na may kasama pang pag-pout.

Ayan ang gusto ko. Nilalambing niya ako kahit papaano. Effective ang drama ko.

"Talagang hindi ka napipilitan?" paninigurado ko pa.

Umiling siya. "Hindi nga po. Tara kain tayo ng fishballs sa labas ng villa." At ngumiti siya.

Siya naman ang humila sa akin ngayon. Kung magkunwari kaya akong natalisod at sa kanya ako babagsak? Ay, huwag na lang pala. Sa laki kong ito at sa liit niyang iyan, siguradong hindi niya ko kakayanin. Ayokong masaktan ang mahal ko. At kahit naman hindi ako matalisod, matagal na akong nahulog sa kanya at hindi na ako makakaahon pa.

Tama na, Mark, Please! Napakakorni ng mga sinasabi mo!

Naglakad kami palabas ng villa. Hindi pa naman masyadong gabi, 6:15 PM pa lang naman. Hindi naman siguro kami pagagalitan sa bahay at isa pa, ang tatanda na namin para pagalitan pa sa paglabas ng ganitong oras.

May mga tambay sa labas ng villa pero hindi naman ako kabadong baka mapag-trip-an kami dahil kilala ko ang mga 'yon. Minsan kapag trip ko kumain ng mga street foods bago umiwi galing sa school nililibre ko sila. Minsan din nakikipag-inuman ako sa kanila kapag nakantiyawan nila.

"'Ganda ng cheeks mo ngayon, Boss, ha," biro sa akin ni Julius. Siya ang una kong naging kaibigan sa mga tambay dito. Chic magnet iyan kahit pa bungal.

"Tanga! Si gandang Lianne 'yan!" sabi naman ni Jeran at binatukan pa si Julius.

"H'wag kayo magulo r'yan," saway ko sa kanila. "May date kami ng Babe ko." Ngumiti ako ng malaki.

Nagkatinginan ang dalawa bago tumingin ulit sa akin.

"Kayo na?" sabay nilang tanong.

"Matagal na mga ugok!" mapagmalaki kong sagot kahit dalawang linggo pa lang naman talaga kami.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now