Chapter Four : Light and Dark (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Love's *POV*

Lumabas na ako ng office ni papa ng nagdadabog. Nakakainis siya, hindi niya ba nararamdaman ang lungkot ng buhay ni Regret dahil sa mga walang kwenta niyang dahilan?

Pumunta ako sa kwarto ni Regret. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang natutulog ng mahimbing kaya isinara ko agad ang pinto ng dahan dahan para hindi ko siya magising. Paglingon ko ay nakita ko si papa na nakatayo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?"ibinalik pa talaga niya ang tanong sakin.

"Tinignan ko lang ang kapatid ko, kaya wag kang maingay dahil natutulog siya."sabi ko sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa'yo at naisipan mong sabihin kay Regret ang totoo?"-papa

"Aba!! Malamang ayoko nang magsinungaling sa kanya"-ako

"Mas lalo lang siyang maguguluhan"-papa

"Kaya nga ipapaliwanag natin diba!!! Kaya siguraduhin ming malalaman ni Regret ang totoo bukas" Napatigil kami sa pag uusap ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Regret.

"Ano bang meron at nagsisigawan kayo diyan?" Narinig kaya niya ang lahat?

"K-kanina ka pa diyan?" Nauutal kong tanong

"Syempre kwarto ko to eh"-Regret

"May narinig ka ba sa pinag uusapan namin" si papa na ang nagtanong

"Bakit, ano ba ang pinag uusapan niyo?"-Regret

"Wala ka na dun" sabi ko. Kahit tungkol sa kanya iyon.

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako at ganun din si Regret. Nagpunta na ako sa kwarto ko. Nakakainis si papa.

Pero iniisip ko lang... Kung hindi namin isinikreto kay Regret ang totoo, ano kaya siya ngayon? Baka naging masama siya.

Ang pinag aalala ko ngayon ay, ano kaya ang mangyayari kay Regret pagpasok niya sa academy na iyon?

Sana walang masamang mangyari sa kanya...

Regret's *POV*

Lagi nalang nila akong pinag uusapan. Narinig kong binanggit ni ate ang pangalan ko. Kapag tinatanong ko kung ano ba iyon palagi nilang sinasabi na 'wala' okaya naman, iniiba nila ang topic. Bwiset!!!

Makapag lakad lakad nga muna sa labas. Sana naman hindi nila ako makita, ayoko na kasing umakyat uli sa gate.

Pagkalabas ko ng kwarto, natanaw ko sa baba na may kausap si papa sa telepono at mukhang nagtatalo sila. Nagtago ako at nakinig.

"Hindi pwede ang gusto mong mangyari!!"
"Magkakagulo tayo sa gusto mong mangyari eh!!!"
"Hindi nga pwede!!"
"Basta!!"

Ang hirap makinig kapag feeling mo invible yung kausap niya. Ano kayang pinagtatalunan nila?

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at bumaba nalang. Hindi ko rin naman maintindihan ang pinag uusapan nila.

Pagbaba ko ay napatigil si papa sa pagsasalita at tignan ako, narinig ko pa siyang sinabihan ang kausap niya na wag ibababa ang telepono.

"Saan ka pupunta?"-papa

"Sa labas"

"Anong gagawin mo don?"

"Basta"

"Hindi ka pwedeng lumabas" Teka, parehas talaga sila ng linya ni ate. Sinasabi ko sa inyo, susunod niyang sasabihin 'hindi ka pwedeng lumabas' Tsk.

"Hindi ka pwedeng lumabas" nagkokopyahan ba sila ng dialogue? O ito ang sinasabi nilang coincidence. Okay!!! Ganyanan. Gagamitin ko rin ang parehong salita.

"Yun ang gusto ko. Yun ang masusunod" haha. Binuksan ko ang pinto

"Guard i-lock nyo ang gate" wow grabe na'to

Humarap ako sa kanya at nilabas ang dila ko para mang asar.

Tumakbo na ako at inakyat ulit ang gate. Pero sa pagkakataong ito, medyo masama ang bagsak ko. Okay lang yan basta makaalis ako sa mala impyernong bahay na 'yon.

Habang tumatakbo ay naisipan kong pumunta sa bahay ng matandang babae.

Pagating ko doon ay may nakita akong sulat sa pinto. Binasa ko ito.

Paalam Regret. Sana magkita tayo ulit.

Anong ibig sabihin non? Pinihit ko ang doorknob at... hindi ito naka lock!!! Ano bang nangyayari?

**********To Be Continued ***********

Pasensya na po sa kakornihan haha.


Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon