Chapter Fourteen: Levidshi Gelan

Start from the beginning
                                    

Iwinagayway ko aking kamay pataas at pababa na nag-iwan ng itim na guhit sa hangin. Ipinikit ko aking daliri at biglang nagsama-sama ang itim naguhit sa hangin at nabuo ang isang mahabang tungkod na kulay itim. Nang hawakan ko iyon ay biglang nagliwanag aking mga sing-sing at yung tungkod na iyon at dahan-dahang may gumapang na kulay silver na ugat. Nagkaroon ng disenyo ang aking sing-sing at staff ng maliliit na ugat na kulay silver.


*TIK*TOK*

Anim... May naglakbay na halo-halong init, kuryente at lamig sa aking buong katawan patungo sa aking likod.

"Aaagggghhhh"

Kasabay nuong pagdaing ko ay ang paglabas ng apoy na magkahalong pula, asul at itim sa aking likod at bumuo ng makikintab na kulay pula at itim na makintab. Sumunod naman na kumawala ay iyong kuryente at lamig. Nagpakawala iyon ng pasabog na kulay puti at ginto. Ramdam ko ang aking panghihina at pananakit ng aking likod. Pero bago pa ako bumagsak ay naramdaman kong lumulutang na lamang ako. At may malakas na pwersa akong nararamdaman sa aking likod.

Pagkasilip ko ay agad akong nasurpresa dahil sa di paniniwala..... nagbalik na.....

Ang aking mga pakpak na mas malaki pa sa akin. Ang pakpak kong kulay puti na may mga balahibong kulay ginto na naguumpisa sa isang-kapat ng kabuuan ng aking pakpak. Na may mga kulay abo at pulang makikintab na naka kapit sa kung saan saang bahagi ng aking pakpak.

Kakaiba? Oo. Naiiba ang aking pakpak sa di malamang dahilan. Siguro dala na rin ng pagiging time barer ko. Pero yung kay ina..... nawala ako sa pag-iisip ng may mas malakas na tunog ng orasan ang gumambala sa aking pag-iisip.

*TIK*TOK*

Nakabibingi.... Syete... ang huling numero ng aking tinawag....

Naramdaman ko namang parang nasusunog ang aking mga mata. Ngunit imbis na masaktan ay sanay na ako sa kakaibang init na dala nito. Nag-iiba na ang aking mga mata.

Kung naaalala niyo pa ay ang isang mata ko ay kulay dilaw at may kakaibang disenyo. Ang nakikita nilang disenyong iyon ang maliliit na numero. Oo, lahat na siguro ng tungkol sa akin ay puro orasan.

Nararamdaman kong gumagalaw ang maliliit na korte sa aking mata. Kahit hindi ko nakikita at alam kong tumapat lang iyon sa alas-syete na nangangahulugang ito ang aking kapangyarihang ginamit.

*TIK*TOK*

Nagliwanag ang buong katawan ko na ibig sabihin ay tapos na ang aking pagbabago ng anyo. Hinawakan ko ang aking tungkod at nagpatihulog sa lapag. Pagkatapak ko ay saktong pag lagatak ng aking tungkod sa lapag.

*GLLLLLLLAAAAAACCCKKKK*



THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.

Nanlaki ang mata ng lalaki ng makita ang pagbabalat-kayo ng anghel.

"Hindi maaaring matuloy ang itinakda. Kailangan mamatay ng anghel na ito" kahit alam nitong wala na siyang kalaban-laban ay nagjanda parin siya sa magigi paglalaban nila ng anghel.

"Hindi maaaring mabuhay ang anak ng isang anghel at isang--" naputol ang pag-sasalita sa malakas na tunog na nanggaling sa pagkakalapag ng dalagitang mala dyosa na handang makipaglaban.

*GLLLLLLLAAAAAACCCKKKK*

Umambag agad ng isang malakas na atake ang lalaki. Na agad namang naiwasan ng babae. Iwinasiwas nito ang kaniyang espada ng mabilis. Upang maharangan ang mabilis na atake ng binata ay ipinaikot ng dalaga ang hawak na aramas sa kaniyang kamay. Patuloy sila sa ganun. Hindi inaasahan ng dalaga ang biglang pag-iba ng atake ng kalaban.

Awakened Casualty: The Prince Of HellWhere stories live. Discover now