34th Magic : Painful Anwsers

2.6K 105 2
                                    

So hi enchanters!! I'm back! I'm so so so sorry it took so long... you see I got super super busy with my other priorities but now I finally got some free time so I thought why not update?

Rare's POV

"You are Phenelope Fugeoria, daughter of the late Queen Emerald Fugeoria" Sabi ni Porsylia.

This is not real. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Kung matutuwa ba ako o hindi. Ano bang sinasabi niya? Pano mangyayari yang sinasabi niya? Ano ba? Bakit ba sila nagsisinungaling saakin?

"Hindi kami nagsisinungaling sayo. At hinding hindi kami magsisinungaling sayo." Sabi ni Aiden.

Nakita ko naman na hinawakan siya ni Porsylia sa kamay at napatingin naman sa kanya si Aiden. Maya maya ay pumunta si Aiden sa may pader at sumandal dun nang hindi nagsasalita pero nakatingin lang siya samin ni Porsylia.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Porsylia nang umupo siya sa gilid ng kama at tumingin siya sakin.

"Pasensya na kung ngayon mo lang maririnig ang mga sagot sa tanong mo iha. Naghihintay lang ng tamang panahon si Porsia para sabihin sayo ang  lahat---"

"Si Auntie? Anong kinalaman ng auntie ko dito?"

"Anak ko si Porsia. At nanay ni Aiden. Sa kanya ka ibinilin ng mahal na reyna kaya siya ang nagalaga sayo."

"Maniwala ka sakin iha, matagal na akong naninilbihan sa pamilya mo at alam ko ang lahat ng dapat mong malaman. Hindi hindi ako magsisinungaling sayo."

"Kung hindi ka pa rin naniniwala, pwede kong ipakita sayo lahat ng nalalaman ko." Pagkasabi niya non ay parang may liwanag na lumabas mula sa mga kamay niya at sa harapan ko nakita ko ang lalaki at babae na may hawak na sanggol. Eto yung imahe na nakita ko sa picture frame sa office ni Sir Sky.

Ngayon malinaw ko nang nakikita ang mukha ng nanay ko. May nanay nga ako... Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko kahit na alam kong nakangiti ako sa mga nakikita ko. Mahal pala talaga ako ng nanay ko at ng tatay ko na buhay pa at nakita ko na siya sa personal. Kung alam ko lang na siya ang tatay ko matagal ko na siyang nayakap.

Aiden's POV

Nakaupo si Grandma sa gilid ng kama ni Rare habang pinapanood niya ang nakaraan sa kanya. Nakangiti siya pero hindi tumitigil ang pagpatak ng luha niya at dinig na dinig ko ang iba't ibang iniisip niya.

Mas matanda ako kay Rare ng halos 4 na taon, kaya bata pa lang ako at sanggol pa lang siya kilala ko na siya at nakikita ko na siya dahil tulad nga ng sinabi ni Grandma tapat ang pamilya namin sa pamilya nila. Tatay ko lang talaga ang traydor.

Ngayon napapanood na ni Rare ang nangyari noong nagkagulo ang magkapatid at naalala ko na naman kung anong nangyari sakin. Samin.

Sinama ako ng nanay ko na si Portia para tumakas, kasama na namin non si Rare. Pinilit ng nanay ko ang tatay ko na sumama pero hindi siya sumama, sinabi niya samin na hindi niya sasabihin kay Black Sapphire na tatakas kasi kapalit ng paghihiwalay nila. Kaya malaki ang galit ko sa tatay ko, dahil ipinagpalit niya kaming pamilya niya para lang kay Black Sapphire.

Nang sinimulan ni nanay na palakihin si Rare kinuha ako ni Grandma at sa kanya ako lumaki. Kaya hindi ko masyadong ganun kakilala ang nanay ko dahil parang mas naging anak niya pa si Rare kesa saakin. At huli ko siyang makita ay nung bumisita siya dito sa Clavory para ibalita na nasa Canther Academy na si Rare, kasabay nun ay ang pagaatas saakin na bantayan si Rare. At sumunod na kita ko sa nanay ko, patay na siya.

Agad kong pinahid ang luhang naramdaman ko sa pisngi ko at lumabas na ng kwarto. Ipinikit ko ng marahan ang mga mata ko pagkasara ko ng pinto.

"Den?" Napamulat ako sa tumawag sakin.

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon