30th Magic : A Tour

3.4K 109 7
                                    

Rare's POV

*TOK *TOK *TOK *TOK

Hmmmmm...

Ang ingay naman...

*TOK *TOK *TOK *TOK

Ano ba yan...

Napatakip ako ng unan sa ulo dahil sa ingay.

"RARE! Bangon na! We're going out!" dinig ko sa pinto. UGH! Siya nanaman! ano ba yan!

Hindi ko pinansin ang boses sa pintuan sa halip ay itinalukbong ko pa sa buong katawan ko sang kumot ko.

"Hey I'm coming in!"

At narinig ko na nga ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang biglang pagkawala ng kumot na nakapatong saakon at naramdaman ko ang sikat ng araw.

"Hey wake up! We're going out. Sabi ni Ms. Alfeah." Dinig kong sabi niya

No. I don't want to wake up.

"Oh no. You are waking up. Ms. Alfeah's orders."

Sabi pa niya at pilit niyang hinihila ng unan na nakatakip sa mukha ko.
At nang maagaw na niya yung unan ko napabangon ko at tiningnan ko siya ng matalim.

"Sorry. Just following orders." Kibit balikat niyang saad.
Inirapan ko naman siya.

"And Sorry for waking you up sleeping beauty. Ms. Alfeah ordered me to tour you around. So here eat your brekfast and get ready. I'll be back if you're done." Sabi pa niya nung nakaalis na ako sa kama ko.

Nakita ko naman yung pagkain na nakahain sa maliit na lamesa.

Napabuntong hininga naman ako.

"Fine." Yan lang ang sinabi ko at napangiti si Aiden.

"Sige alis na ako ha? Be ready I'll be back ok?" Sabi niya. Tumango na lang ako at umupo sa harapan ng maliit na lamesa at nagsimula nang kumain.

Nang makalabas na si Aiden tinapos ko na ang pagkain ko at pumasok ako sa banyo para maligo, nang matapos ako ay kinuha ko yung damit na nakahanda sa loob ng closet ko at yun na lang ang sinuot ko.

Nasabi ko na ba na lahat ng gamit ko ay naiwan sa Canther? Oo lahat. As in LAHAT.

Naghintay ako ng kaonti para kay Aiden pero walang Aiden na kumatok sa pinto ko. Kaya naman napagdesisyonan ko na bumaba na lang mag isa, kaya ko naman no. Hindi naman ako prinsesa para sunduin at ihatid oras oras.

"Good Morning po."

"Have a good day Ms. Summers."

"Good Morning Ms. Summers."

"Ay. Hello po. Ms. Good Morning po."

"Welcome po dito."

"Enjoy your day Ms. Summers."

Yan ang mga sunod sunod na bati saakin habang naglalakad ako sa hallway at pababa ko ng hagdanan, at mas dumami pa ito nang makapunta na ako sa first floor kung saan maraming tao.

Nakita ko si Aiden sa counter at mukhang nakita din niya ako dahil napangiti siya at naglakad siya papunta saakin.

"Buti bumaba ka mag isa?" Tanong niya

"May sarili akong paa Aiden." Walang tono kong sagot.

Napatawa lang siya at ska humarap ulit dun sa counter sa my babae.

"I'll be out. Paki sabi umalis na kami." Sabi niya dun sa babae. Nginitian lang siya nung babae, pero nung dumapo saakin yung tingin nung babae nagiba bigla yung expression niya, bigla siyang sumimangot at inirapan ako.

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon