1st Magic : Welcome to Canther Academy

17.9K 408 28
                                    

Rare's POV

Bumababa ako ng sasakyang naghatid sa akin papunta sa lugar na kinatatayuan ko ngayon.

Noon tinatanaw ko lang ang lugar na ito pero ngayon hindi ako makapaniwalang papasok ako mismo sa loob.

Tama nga ang sabi ng iba, napakaganda ng lugar na ito, ang lalaki ng mga open fields tapos kung titingnan mo yung pinaka building ang laki laki para bang mansion ay hindi.. More like parang palasyo!

"Hindi ka na umalis diyan ah." At ayun bumalik na ako sa realidad. Isang medyo nasa 30's na babae ang lumapit sa akin.

"I'm Delora, Dean ng Canther Academy. Come with me."

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya.

Pumasok kami sa loob ng building at dumeretso kami sa second floor.

At ngayon ko lang narealize... Ilang floors ba meron tong school na to? Kung school nga ba to?

Nasa tapat kami ng isang pintuang malaki at binuksan ni Dean Delora.

WOW as in WOW! Isang kwarto lang ba to? Eh katumbas na ito ng bahay namin eh!

"You must be Ms. Summers , I've been waiting to see you."

Nginitian ko yung lalaking bumati sa akin na mukhang medyo matanda ng onti kay Dean Delora.

"I've known your parents for a very long time... And you look exactly like your mother."

Wait... What?

Did he just mentioned my mother?

How did he--

*knock*knock*knock*

Napalingon ako sa pintuan at laking gulat ko kung sino ang pumasok.

"Auntie?"

"Hi baby." She smiled at me. Oh how I like those smiles of her.

"Sky, we need to talk." Bumaling na ang tingin ni Auntie dun sa lalake kanina na ang pangalan pala niya ay Sky.

"Ok. I understand." Tumingin saakin bigla si Mr. Sky.

"Ms. Summers if its ok with you, umupo ka muna doon sa sofa, may paguusapan lang kaming importante." I nodded as a sign of agreement.

Habang tinitingnan ko silang naguusap, sa mga itsura pa lang nila halata mo nang seryo ang pinaguusapan nila.

Matagal na bang magkakilala si Auntie at yung principal? Wala namang nababanggit si Auntie sakin dati na may kakilala pala siya dito sa Academy.

Actually hindi naman ganon kalayo at hindi rin naman ganon kalapit ang pwesto ng inuupuan ko so may mga naririnig din ako, kaso nga lang hindi ganun ka linaw.

"Hindi pwede. Hindi niya alam na may ganon siyang kapangyarihan. Masyadong delekado!"

Delekado? Anong delekado?

"Naiintindihan ko Portia. Pero hindi mo parin pwedeng itago sa kanya ng habang buhay ito. Malalaman at malalaman din niya balang araw."

"Oo! Pero hindi ngayon!"

"Portia, kami na ang bahala sa kanya, hindi namin hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa kanya, alang alang sa Canther at alang alang sa mga magulang niya."

Ano bang pinaguusapan nila? Nakakacurious ah.

"Rare."

Tawag saakin ni Auntie. Lumapit naman ako.

"Baby dito ka na muna ha? May mga aasikasuhin muna ako, sila na muna ang bahala sa safety mo."

"Ano ka ba naman Auntie, as if hindi ko alam na magiistay ako dito. And Auntie hindi na ako baby."

Canther Academy: Unveil The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon