Pero anong ginagawa ng isang ito dito? Kahit naman crush na crush ko siya ay nagtataka parin ako kung bakit siya nagawi sa lugar na 'to. By the looks of him, never mo itong mapapapunta dito unless may sadya siya. Sadya niya kaya ako? Ay shet. Kinikilig ako.

“Hoy gurang, nakikinig ka ba?”

Ay, joke lang pala. Gago to a. Hindi na pala ako kinikilig.

“Makalait naman akala mo yummy...” Bulong ko habang sinisipa nalang ang mga malilit na bato sa paanan ko. Itatama ko sana sa paa niya kaso nagbago ang isip ko. Huwag na pala.

“May sinasabi ka?” Pagkaklaro niya.

“Ha? Wala 'a! May naririnig ka bang hindi ko naririnig?” I mentally laughed pero bakas sa buong sistema ko ang pagkakilig.

Potaners! Kahit kunwaring tigasin ako sa harapan niya ay gusto ko ng umalis dito para i-chika kay Pransing na kinakausap ako ng bebe ko. Panigurado maglalaway yun sa inggit dahil lamang na lamang sa paligo ang bebe ko kaysa sa mabantot niyang boyfriend. Pagkatapos ay babalik ako dito tapos ikikiss ko siya...

“Baliw ka talaga.”

Oo, baliw na baliw sayo. Hihi.

“As I was saying...” Tumikhim muna siya. Taragis ang pota, lakas makapambitin.

“I know that you like me so I am giving you a chance to prove it. Court me. Malay mo, magustuhan din kita kahit– well, kahit konti, and by that... Maybe we can start to work things out. What do you think?”

Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Sana sinabi naman niyang huminga muna ako ng bonggang-bongga bago makinig para maka-buwelo naman ako kahit papaano. Ang lakas din talaga maka-gago ng isang ito, e.

“P-Pardon?”

“You heard it right. Don't let me repeat it again.” He hissed.

Para akong mahihimatay. Napaka straight-forward naman ng lalaking ito. Sa sobrang pagka-honest, ang sarap bayagan! I consumed less than a minute para masink-in lahat ng pinagsasabi niya.

“Teka, ha! Why so sudden? Aminado akong crush kita, pero hindi naman ako aabot sa puntong ako ang manliligaw sayo. Mahiya ka nga! At isa pa, naka drugs ka ba? Parang noong mga nakaraang linggo lang halos i-pakyu mo ang buong pagkalalang ko tapos bigla-bigla kang susulpot dito para sabihin yan? What the heck, ha?! What the heck?!”

He laughed seductively habang naiiling. Ay laughtrip lang si koya? At shit! Bakit ang yummy niyang tumawa? Inay. Itay. Hindi ko na 'to kaya!

“Does that mean you're rejecting my offer?” Tumaas ang isang kilay niya habang humahakbang papalapit saakin.

I automatically moved backward as I saw him licked his lower lip. Anak ng alimasag is he seducing me? Hindi ko na naman maiwasang paglakbayin ang mga mata ko sa buong katawan niya. Ohlala... Macho mo po! I love you na po!

Ay shut up, Tahani. Gagahasain kana lumalandi ka pa. Char!

“A-anong ginagawa mo?” Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy parin sa pag-atras.

“Bakit? Pagod ka na bang mahalin ako, Tahani?”

No. No, Aidan. It's not like that... Kahit ilang beses mong iparamdam saakin na wala akong kwenta sayo, hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka.

Patuloy parin siya sa paglapit saakin hanggang sa wala na akong maatrasan. Puro paso na ang nasa likuran ko at wala na akong ibang matatakbuhan. I'm trapped. Dahan-dahang lumapit si Aidan saakin as he extended his arms habang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Syet na malagkit! Iki-kiss na ba niya ako?

CHASEWhere stories live. Discover now