Nagulat naman siya sa ginawa ko.

    "Oh ayan." Tapos binalik ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko. Tiningnan ko siya pero nakatingin pa rin siya saken. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

    Ngumiti siya ay umiling. "Wala. Mas maganda ka pala kapag malapitan noh?"

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ewan ko sayo."

    Narinig ko siyang tumawa. Abnoy talaga.

    Pagkatapos naming bumili sa mall nagpunta kami sa parking lot para bumalik aa ospital. Tinulungan ko siyang ilagay ang mga pinamili namin sa likod ng kotse niya tapos umalis na kami.

    "Salamat nga pala." Sabi ko. Kahit na ang maldita at sinusungitan ko siya kailangan ko pa ring magpasalamat sa kanya dahil dito.

    "For what?" Tanong niya.

    "For this. Babayaran na lang kita balang araw."

    "Nah. You don't have to pay me. Para din naman 'to sa Mama't mga kapatid mo."

    Hindi ako umimik. Kahit ang yabang niya mabait din pala siya. Akala ko puro kayabangan lang ang alam niya.

    "So, sasagutin mo na ba ako?"

    I sigh. Here he goes again. "Hokage ka din eh noh?" Inikutan ko siya ng mga mata ko.

    Narinig ko siyang tumawa. "By the way, Shane. Bakit nga pala nabulag ang Mama mo?"

    I licky dry lips before answering his question. "Dahil sa isang aksidente."

    "Oh. Eh nasan ang Papa niyo?"

    "Bata pa lang ako at pinagbubuntis pa ni Mama sina Shaira at Jaira iniwan niya kami at sumama siya sa ibang babae. Nakita ko kung paank magmakaawa si Mama kay Papa na huwag niya kaming iwan pero tinaboy niya lang si Mama na parang hindi niya kami pamilya."

    "I'm sorry to hear that." Sabi niya.

    Hindi na lang ako nagsalita. Ayoko ng maalala yun. Yung pinakamasakit na alaala. Wala siyang awa. Wala siyang puso.

    Walang ng nagslita samin hanggang sa makarating na kami sa ospital.

    Pagbukas ko ng pinto naabutan ko sina Mama at kambal na natutulog na. Si Eduardo naman sa sofa lang natulog. Mukhang natagalan yata ang pamimili namin kaya nakatulog na sila.

    Dahan-dahan kong nilagay ang plastik sa lamesa para hindi sila magising. Ganun din si Tyler.

    Hinaplos ko ang buhok ni Jaira at tiningnan sila. Hindi ko mapigilang maluha. Ang dami ko ng ginawang sakripisyo para lang mabuhay sila. Ang dami ko mg pinagdaanang hirap pero hindi ako sumuko agad dahil sa kanila. Sila ang lakas ko.

    "Shane.." Tinapik ni Tyler ang balikat ko.

    Pinunasan ko naman ang mga luha ko. "Pwede mo ba akong ihatid pauwi?"

    "Sige."

---

    PAGKARATING namin sa tapat ng bahay ko agad akong bumaba sa kotae niya. Hindi ko siya nilingon kahit na tinawag niya ang pangalan ko. Sinara ko ang pinto. Nagpunta ako sa kwarto ng kambal since don daw sila matutulog sa ospital. Pagkapasok ko hinagis ko ang bag sa kama at pabagsak na humiga don. Pagod na pagod nako.

    Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Lechon naman! Sino ba 'to?! Matutulog na sana yung tao eh! Bwiset!

    Bumangon ako at kinuha ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko na tiningnan ko kung sino anh tunawag. Ayy, text lang pala. Pero sino ba 'to? Number lang nakalagay eh.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now