Chapter 17

73.1K 1.1K 108
                                    

"The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive."

― John Green, Looking for Alaska


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Zhaira, dalian mo!" sigaw ni Geoff mula sa living room. Ugh, excited naman yata sila masyado?


Tinawagan siya ni Zyren kanina at sabi, sunduin daw namin sa airport. Yan tayo eh, VIP.


Bumaba na ako at mukhang kumpleto na ang lahat.


"Okay, nakababa na ang prinsesa! Oras na para sunduin ang kanyang prinsipe." sabi ni Adele.


"Prinsipe?" nagtatakang tanong naman ni Rei.


"Yup, hindi mo alam? Ang tagal nang nililigawan ng pinsan mo si Zhai." simpleng sagot ni Adele at isa-isa na silang lumabas ng bahay papunta sa van.


Naiwan kami ni Rei sa loob. Bigla niya akong tiningnan at sa dalawang segundo, ang dami na agad niyang naipakitang reaksyon. Una, gulat na napalitan ng galit na napalitan ng isang mala-demonyong ngiti.


Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, "Let's go, Zhai. Sasalubungin na natin ang pinsan ko." Hindi ko alam kung imagination ko lang yun pero biglang nag-iba ang tono niya nang sabihin niya ang salitang 'pinsan'.


"Hoy, Zhaira, ngumiti ka naman!" sabi sakin ni Shiela habang hinihintay naman si Zyren sa airport lobby.


Sorry, pero mukhang hindi ko yata kayang ngumiti pagkatapos nung phone call na 'yon.


"Prince!!!!" sigaw ni Adele nang lumabas na makita nila si Zyren at sabay-sabay nila siyang sinalubong.


Naiwan ulit kami ni Rei. Ramdam ko ang pag-sulyap niya sa akin. Bigla niya akong inakbayan at nilakad ako papalapit sa kanila.


"Hey, hey, where's my-" naputol ang sinabi ni Zyren nang makita niya si Rei. Sinundan niya ng tingin ang kamay braso niya na nakaakbay sa akin.


"Pinsan, welcome back! Ang daming nangyari nung wala ka." Kumunot ang noo ko nang biglang nagbago ang tono ng boses ni Rei sa bandang huli.


Tinaasan siya ng isang kilay ni Zyren at nag-smirk lang si Rei.


"Ooooookay." pumalakpak si Geoff. Mukhang naramdaman din niya yung tension mula sa dalawa, "Mukhang pagod si Zyren sa byahe, let's all go home now."


"Hey, honey! Wait for me!" napatigil kaming lahat at tiningnan ang pinanggalingan ng boses.


Ang boses na 'yon.


"Dalian mo kasi, baby."


Napanganga ang lahat nang biglang lumabas ang isang babae at agad na ipinulupot ang braso niya sa braso ni Zyren.


"Tara na. Naiinitan na ako dito." sabi ko at dumiretso na papunta sa van.


"Oh-em, honey~ Ang ganda pa rin here sa Pinas, like, really. I like, super missed it here!"


I rolled my eyes. Naka-earphones ang iba at tinakluban naman ni Adele ang tenga niya.


Nasa pinaka-likod sila ng van ni Zyren katabi sila Kenrick at Loreez. Katabi ko naman sa gitna ng van sila Rei, Gio, Cyrene; at si Adele naman ang nasa unahan.


Syempre, may sariling sasakyan si Shiela at Geoff.


"Hihi! I'm like, so excited na! Let's go to the beach!"


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon