Chapter 6

86.1K 1.4K 113
                                    

"I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel."

― Maya Angelou


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Alam nyo I think it's time na sabihin ko na ang isang super explosive na secret na nalaman ko." sabi ni Adele isang hapon habang naglalakad na kami pauwi.


"Oh? About?" tanong ni Loreez.


"About sa Four Jacks!" sigaw ni Adele. Nawala ang interes namin ni Loreez, at nakuha naman nito ang atensyon nila Shiela at Cyrene.


Huminga si Adele ng malalim, "Ang Four Jacks ay may hidden identity."


Napa-pfft ako. Hidden identity? Ano sila? Alien? Mga ganun?


"Gangsters sila."


Natahimik ako sa sinabi ni Adele. Naramdaman ko ang mabilis na pagsulyap sa akin ni Shiela.


"Sinundan ko kasi one time si Gio, at nakita kong pumasok siya sa isang parang apartment na pinag-uusapang headquarters or tambayan yata ng gang sa lugar na 'yon." pagpapatuloy ni Adele.


Gusto ko nang umuwi. Bakit ba kasi naglakad kami ngayon? Ayoko na nang usapan na 'to.


"Whhhaaaatttt??!?!? Omygosshhh! Si Kenrick?! Gangster?!" gulat na sigaw ni Cyrene. Hmmm, baka naman sumuko na siya at ma-turn off. Sa wakas. Pero.. "OMG!! ANG HOT!!"


Never mind.


Tumawa ng mahina si Loreez, "Hindi bagay kay Gio ang maging gangster."


"Aaaah. Hindi ko alam na gangster pala si Geoff, ah." sabi ni Shiela at sumulyap na naman sa akin. I just shrugged. I don't care about my cousin's agendas.


Pero ang dahilan kung bakit hindi ako komportable ngayon ay dahil narinig ko na naman ang salitang 'yon.


Ang salitang pilit kong kinakalimutan.


Gangster.


~ * ~


"You're late."


Pambungad sakin ni Ren nang makapasok ako sa bahay.


Hindi ko sya sinagot at dumiretso na sa sofa. I'm not really in the mood for anything now.


Napansin kong nakatingin siya sa akin. "Malapit na ang exam nyo."


"Mmmm." tumango ako.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon