Chapter 23

68.7K 1.1K 121
                                    

"Love is needing someone. Love is putting up with someone's bad qualities because they somehow complete you."

― Sarah Dessen, This Lullaby


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Good Morning, Zhaira."


"Hi, Zhai."


"Peace be with you, Zhai."


What.

The.

Heck,


Anong nangyayari?! Kakapasok ko pa lang dito sa gate ng school at nagulat na ako sa mga nakita ko.


Kinusot ko ang mata ko at kinurot na rin ang aking sarili baka sakaling nananaginip pa ako. Pero nasaktan ako at namumula na yata ang mga mata ko.


So bakit lahat ng estudyante dito naka-long sleeves or polo with checkered or stripes pattern?! At naka-dorky glasses pa. Heck, bakit lahat sila ay mukhang nerd?


Tumakbo ako papunta sa room para maisawan ang kung anong meron sa mga tao na 'to ngayon pero unfortunately, they're everywhere. EVERYWHERE!!!! At lahat sila, binabati ako. Sigh.


Nakarating na ako sa labas ng room at tinry itong buksan pero naka-lock. Bakit? Ilang minuto na lang magbe-bell na.


Tumalikod na ako at maglalakad na paalis nang dahan-dahang nagbukas ang pintuan ng room. Nakapatay pa ang ilaw sa loob at parang walang tao. Err.... papasok ba ako? Madilim eh.


"I come in peace, Zhaira." pagbabati sa akin ng isang hindi ko kilalang estudyante na naka-nerd outfit. Fine, papasok na ako ng room.


Pumasok na ako at binuksan ang ilaw. Instant akong nanigas at naibagsak ko ang aking bag.


Bukod sa mga mukhang nerd din ang mga kaklase ko, nagulat ako nang makita ko silang nakaluhod at nakatingin sa akin. Kahit ang mga kaibigan ko.


"Zhaira." tumingin ako sa dulo ng room at sa taong pinanggalingan ng boses. I should have known; sino pa ba ang may kakayahang gumawa ng ganito?


Naglakad papalapit sa akin si Zyren, wearing and looking like my nerdy tutor.


"Princess, I'm sorry but I can't wait any longer. I just need you to give me the chance to make it all up to you - to make all my stupidity worth forgiving." Huminto siya ng ilang hakbang sa harapan ko, "You don't know how much I missed you. You don't know how jealous I am whenever you talk to someone because they are so damn lucky to hear your voice."


Tinanggal niya ang salamin niya at humakbang siya papalapit sa akin pero hindi ako gumalaw - hindi ako makagalaw.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt