Special Chapter (Married Life)

1.5K 40 5
                                    

Masarap gumising pag an unang bubungadsa iyo ay ang mukha ng pinakamahalagang tao sa buhay mo. Katulad ko, pagmulat ko agad kong nakikita ang napakagwapong mukha ng aking asawa. Hindi ko inakala na dadating sa amin ang salitang happy ending pero napakabait ng panginoon at binigay niya sa akin ang isang Park Chanyeol.
Wala na akong mahihiling pa, nasa kanya na lahat ung mga katangian ng lalaki na gusto kong makasama habang buhay.
Napakaresponsableng ama at asawa sa akin. Kaya mahal na mahal ko siya.

"Kapre ko gising ka na malalate na tayo sa work." Sabay pisil sa pisnge at ilong niya.

Ako ulit kasi ang namamahala sa kumpanya namen dahil nga naaksidente si JongIn at inaalagaan naman siya ni Kyungsoo. Si Jongsuk naman ung nag mamanage ng mga coffee shop namen, kaya hindi ako nag aalala sa bagay na yan. Ang hirap kaya ng role ko. Nanay/tatay na ako sa mga anak namen then misis naman ako ni Chanyeol then negosyante naman ako para sa Kumpanya namen. Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang yung kumpanya na pinag hirapan ng mga magulang ko. Un na lang ang tanging nilang alaala sa akin. Pero kahet ganun lahat kakayanin ko para sa pamilya ko.

Pinipisil pisil ko pa din ung mukha at ilong niya para magising pero bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap.

"Uy ano ka ba kapre ko anung oras na. Baka gising na ung mga bata kailangan ko nang magluto ng almusal at ung babaonin nila sa school."

"Dwende ko pwede mo naman siyang ipagawa kay manang
Weng at manang Gloria. Dito na lang tayo sa kwarto naten mag hapon please....." Sus ang asawa ko nagpapacute kala mu uubra ka yang pag papacute mo....... Tama ka tumatalab.... Pero kailangan kong bumangon dahil may meeting ako with the investors.

"Hay nako Park Chanyeol di uubra sa akin yang pagpapacute mo bumangon ka na dyan dali na.." Patayo na ako ng kama ng hilain nya ulet ako pabalik sa kanya at bumagsak ako sa dibdib niya.

"Dito na lang tayo. Sundan na lang naten si HyunChan." Pinisil ko ung tenga nyang napakalaki dahil sa sinabi nya,

"Aray ko....teka...aray"

"Magtigil ka nga... mag iisang taon palang ung anak naten next month bubuntisin mu ulet ako. Ikaw kaya manganak."

"Eto naman nag susuggest lang."

"Tumayo na."

"Kiss na lang. Ok na ako" lalapit na siya para halikan ako pero hinarang ko ung kamay ko. Di pa kasi ako nag totoothbrush... Amoy laway pa ako. Pero tinanggal niya ung kamay ko at hinalikan. Akala ko simplemg halik lang pero mas lumalamin ung halik niya nararamdaman kong hinawakan niya batok ko para hindi ako makawala. Ang hirap naman tumanggi sa grasya kaya hahayaan ko na lang hanggang sa may kumatok.

"Papa... daddy... umiiyak po si HyunChan. " ung kambal. Naitulak ko si Chanyeol at inayos ung sarili at lumabas ng kwarto. Nagpunta ako ng nursey at kinuha si HyunChan. Pinalitan ko muna siya ng diaper niya bago bumaba.

Pagbaba ko nakita ko ung kambal at ung tatay nila na nagwrewrestling jusko minsan napaisip ako na 5 anak ko. Panganay ko tong kapreng to.

"Hephep tama na yan." Saway ko.

"Good morning Papa and daddy.." Humalik sa akin ung pangangay namen si Haru. Parang kelan lang baby ko pa to pero ngayon dalaga na.

"Good morning din anak. Punta na sa kusina para makakaen na. Baka malate na kayo sa school."

"Papa and daddy may sasabihin po ako sa inyo."

"Wag mong sabihin na may boyfriend ka na? Wag muna anak di pa pwede."

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon