Chapter 33

1.3K 46 3
                                    

Kaisoo's wedding day



Kyungsoo's POV



"This is it pansit.... the day na magiging Mrs. Kim ako officially beks.. ang saya saya ko." Nilapitan niya ako at inayos yung damit ko.



"Sa wakas beks natupad na ang forever mo. Im so happy for you." Naramdaman ko na parang naiiyak siya humarap ako sa kanya.



"Oh bakit ka naiiyak? Nanay ba kita at kung makaiyak ka dyan daig mo pa nanay ko " pero imbes na tumigil siya sa pag iyak ay lalo pa siyang humagol gol ng malakas.



"kasi... kasi maiiwan na akong single. Huhuu hindi ko matanggap na ikaw ang mauunang ikasal sa atin."



"Gaga eh kung hindi ka nag pabebe 4 years ago edi sana kasal ka na ngayon at Mrs. Park ka na. Yan tuloy sa iba na mapupunta yung Mrs. Park. Pabebe pa more beks."



"OO na tanga na kung tanga. Alam mo naman kung ano yung sitwasyon ko that time diba."



"Oo alam ko yun pero kasi dapat sinabi mo na lang sa kanya para hindi ka malungkot ngayon."



"Nako tama na nga yan. Baka pumanget ka ngayon dahil sa stress ang love story ko.Umupo ka nga muna dyan at makapag retouch ka." maya maya nag ring ang cellphone niya at nag paalam muna na lalabas upang sagutin iyon. Maya maya pumasok siya at sinabihan niya yung make up artist na samahan siya para ayusan yung ibang abay sa kasal. Kaya naiwan akong magisa sa kwarto. Maya maya pumasok si Asher at may dala dalang maliit na regalo ibinigay niya sa akin iyon at biglang tumakbo palabas ng kwarto. Mula iyon kay JongIn. Bago ko buksan ang laman binasa ko muna yung sulat niya for me.



To my precious wife,

Im so thankful that you came to my life unexpectedly. Akala ko hindi kita kayang mahalin dati pero nag kamali ako. Nahulog ako sa alindog mo, at hindi ko iyon pinag sisihan.You and Asher is the best gift na natanggap ko mula sa Maykapal. Im so excited to wake up every morning at mukha mo ang unang makikita ko.I love you so much Do Kyungsoo, I love you to infinity beyond.... See you later Mrs. Kim.

Love,

Your Forever



"Ok kailangan ko ulit mag retouch pinaiyak po kasi ako ng nognog kong asawa. Hay see you later my forever. " Maya maya may kumakatok baka sila nanay iyon kaya punta ako sa pintuan at binuksan ito. At laking gulat ko kung sino ang nasa pintuan.



"Tay." Oo si tatay ang nasa pintuan. Gulat na gulat ako dahil nakita ko siya sa harapan ko. Simula ng tinakwil niya ako bilang anak niya dahil nga sa bakla ako never ko na siyang nakita. Pag nag pupunta ako sa bahay namin parati siyang wala sa bahay o di kaya nasa kwarto lang. kaya wala kaming chance na mag kita. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit, at niyakap din niya ako ng mahigpit. Para akong batang sabik na sabik sa yakap ng isang ama.Matagal ko na itong pinangarap ang mayakap siya ng ganitong kahigpit.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon