Chapter 6

2.1K 88 28
                                    

Chanyeol's POV

Mga 4am na kami nakarating sa bahay. Buti gising na si Manang Gloria ng mga oras na iyon kaya napag buksan kami ng gate.

"Chanyeol bakit ngayon ka.. ...teka Baekhyun iho bakit ganyan ang mukha mo?" napansin kasi ni Manang na puro pasa yung mukha ni Baekhyun.


"Manang paki linis po yung guest room dito po muna si BAekhyun titira sa atin."

"Teka ano ba talaga nangyari at ganyan ang mukha mo Baekhyun?"

"KAsi po may mga masasamang loob po na nakapasok po sa bahay namin at pinag bubugbog kami ng kaibigan ko. Pero buti na lang dumating sila Chanyeol at tinulungan kami. Kundi patay na po kami ng kaibigan ko."

"Mabuti naman kung ganun. MAs mabuti na pumarito ka muna at least dito safe ka."

"Maraming salamat po Manang Gloria." Niyakap ni Baekhyun si manang Gloria

"Teka ipaghahanda ko muna kayo ng almusal alam kong napagod kayo sa byahe. MAupo muna kayo sa sala."

"Manang ako na lang po ang mag hahanda ng almusal, paki linis na lang po yung guest room para makapagpahinga na si Baekhyun after makain." Sabi ko.


"Sigurado ka ba dyan Chanyeol anak?" anak na kasi ang turing sa akin ni Manang. Yaya ko na siya since birth kaya parang pangalawang nanay ko na siya.


"OPo dalhin ko na din itong mga gamit ni BAekhyun." Akmang kukunin ko na yung mga bag niya ng pigilan niya ako.


"Ako na Chanyeol. Nakakahiya na sa inyo."

"Ano ka ba Baekhyun, diba mag kaibigan na tayo wag ka ng mahiya sa akin." Kaya binawi ko ulit yung mga bag na hawak hawak niya at inilagay sa guest room.


After kong mailagay yung mga bags niya sa guest room dumeretso na ako sa kusina para makapagprepare ng breakfast. Habang nag luluto ako hindi ko namalayan na nasa kusina na pala si Baekhyun.


"Ang galing mo naman mag luto." Bangit niya.


"ay Baek gutom ka na ba? Saglit na lang ito at matatapos na."

"Hindi ok lang ano ka ba. Kukuha lang ako ng tubig."

"Saglit ako na lang ang kukuha." Iniabot ko yung isang basong tubig sa kanya. At naupo naman sya sa isang maliit na lamesa sa kusina.

"Saan ka natutong mag luto?" Tanong niya.

"Sa parents ko. Mahilig kasi silang kumain kaya ganun." At inihanda ko na sa lamesa yung niluto kong almusal.


"Oh buti ka pa. Ako kasi hindi marunong."

"Diba nakapagluto ka kagabi?"

"Hahahaha nako taga hiwa lang ako ni Kyungsoo, siya talaga yung may malaking nagawa doon."

"KAhit na tumulong ka pa din sa pag luto. Hayaan mo pag free ako tuturuan kitang mg luto. Coffee or Hot Chocolate?"


Baekhyun's POV

"......Coffee or Hot Chocolate?" pwede bang ikaw na lang.... Tekaaaa ang landi naman nun.. juskooo espiritu ni Kyungsoo utang naloob lubayan mo ako sa kaharutan mo..

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon