Chapter 18

1.5K 50 0
                                    

Chanyeol POV


"I know him Chanyeol." sabi ni Mama Sam. At niyakap niya si Baekhyun ng mahigpit. Kunot noo akong tumingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung kelan, saan, at paano sila nag kakilala.


"What??? How? When? Where?"" tanong ko.



" Chanyeol I havesomething to tell you." Sabi ni Baekhyun. Kaya naupo kami sa sala at nag umpisang mag salita si Baekhyun.


"5 years ago I undergo to a open heart surgery. Bata pa lang ako may sakit na ako sa puso. Akala ko noon mamatay ako ng maaga dahil sa sakit ko. Pero sadyang mahal ako ng Diyos at pinadala niya sa akin si Tita Samantha. SAbi ng mama ko, ako ang naging recipient ng puso ng anak ni Tita Samantha. I don't know kung ano ang pangalan ng anak niya . That time Im so greatful dahil madudugtungan pa ang buhay ko."



"Teka.. so ang ibig mong sabihin ang puso ni Dara ang nag dugtong ng buhay mo?" Tumango siya. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.


"Im sorry Chanyeol ngayon ko lang nalaman. Na anak ni tita Sam si Dara." Sambit niya.


"Okay lang Baek. Alam ko na pinadala ka ni Dara sa buhay namin ni Haru para mahalin at alagaan kami." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.



"teka may hindi ba kayo sinasabi sa akin?" singit ni Mama Sam. Kumalas kami mula sa pag kakayap at humarap kay Mama Sam.



"Mama kasi ano po eh...boyfriend ko na po si Baekhyun."


"What?? Boyfriend?" gulat na tanong ni Mama Sam.



"Opo"



" You mean na...gay???"



"Im a bisexual Tita. Pwede akong mag ka relasyon for bith man and woman." Pagpapaliwanag ni Baekhyun.



"Ah mabuti naman at nag mahal ka ulit Chanyeol anak. Maraming Baekhyun."



"Hindi po kayo nandiri sa amin?" tanong ni Baekhyun. Tumayo si Mama Sam at umupo sa gitna namin. At niyakap kaming dalawa.



" Mga anak walang pinipili ang pag mamahal. Love is genderless. Lahat tayo pwedeng mag mahal. Basta masaya kayo sa piling ng isa't isa. Sino ba naman ako para mandiri o pigilan ka. Basta ipangako niyo lang sa akin na mag mamahalan kayo. At alagaan si Haru ok." Sana ganito din ang pag tanggap ng magulang ko sa relasyon namin ni Baekhyun. Natatakot ako sa maaaring mangyari pag pinakilala ko si Baek sa kanila.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon