Chapter 34

1.3K 40 2
                                    

Baekhyun's POV



Ang awkward ng pakiramdam habang mag kasayaw kami ni Chanyeol. Ang tahimik namin,ni isa sa amin hindi nag sasalita kung nung unang nakasayaw ko siya hinapit niya ako palapit sa kanya ngayon hindi na. Medyo may distansya na sa pagitan namin. Hindi din ako makatingin sa kanya ng deretcho baka kasi mabasa niya sa mga mata ko kung gaano ako kalungkot.We are totally strangers. Masakit man isipin pero para na din ito sa ikakabuti ng relasyon nila ni Irene. Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal, pero ang pag mamahal na iyon ang gagamitin ko para palayain siya. Saktong natapos yung tugtog at nag madali akong humiwalay sa kanya at lumabas ng venue, nararamdam ko na unti unti ng tumutulo yung luha ko. Nag riring ang cellphone ko si Jongsuk ang tumatawag. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sagutin iyon.



"Hello Baekhyun nasaan ka?"



"Nag pahangin lang ako."



"Nasaan ka pupuntahan kita baka mapaano ka. Umaatake nanaman ba yung sakit mo?"



"Wag kang mag alala ok ako nakainom ako ng gamot ko kanina so don't worry ok. Babalik din ako dyan, kailangan ko muna huminga. Alam mo na yun"



"Sigurado ka ba dyan?"



"OO naman sige na babalik din ako dyan mamaya. Ikaw na bahala mag palusot pag hinanap nila ako.Please Jongsuk."



"Ok sige basta pag sinumpong ka ng sakit mo tawagan mo ako kaagad ha."



"Yep salamat, bye."



Nag lakad lakad muna ako sa tabing dagat bago ako bumalik sa venue ng reception ng kasal ng Kaisoo. Nasa part na sila kung saan mag susubuan na sila ng cake, ang cute nilang tignan bagay talaga sila. Habang nakatingin ako sa kanila nakita ko si Chanyeol na nakatingin sa akin, para bang may gustong sabihin.Ngunit binawi ko ang tingin ko at pumunta malapit sa Kaisoo para kumuha ng picture.



"Lahat Beks dyan at mga girlalu pumunta po tayo sa harap para po sa pag salo ng bulaklak." Ito yung part kung saan ipapaagaw ng bride yung bulaklak niya at kung sino ang makakakuha nito siya naman ang isusunod na ikakasal.



Nagsipuntahan yung kapatid ni Kyungsoo, si Irene at si Luhan Hyung. Hindi na ako tumayo kasi tinatamad ako, pero nakita ako ni Luhan hyung at bigla na lang niya akong hinila papunta sa harap.



"Hyung kayo na lang po dito na lang ako." Sabi ko.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon