Chapter 29

1.2K 41 8
                                    

Baekhyun's POV


"Papa..... papa....." narinig ko ang boses ng anak ko at agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.



"Jackson.... Thank God at safe ka." Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak dahil sa wakas nakita ko na din si Jackson. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyaring hindi maganda sa anak ko. Ayoko na mawalan pa ng isang anak. Tinignan ko siya ng mabuti at pasalamat na lang ako sa Diyos na walang masamang nangyari sa kanya at mukhang masaya pa siya.



"Papa andito na si Daddy." Daddy? Kumunot noo ko ng sinabi niya iyon kaya iniangat ko ang mukha ko para Makita kung sino ang sinasabi niyang daddy. Laking gulat ko ng Makita ko si Chanyeol sa likod ni Jackson.



"Chanyeol." yun lamang nasambit ko. For how many years ngayon lang ulit kami nagkita.



"Yehey complete na family ko. Andito na si Daddy galing Amerika." Hinila ako pababa ni Jackson at niyakap niya kaming dalawa ni Chanyeol at naging dahilan iyon nag pag lalapit ng mukha namin. Ilang Segundo din kami nag katitigan ni Chanyeol at halata sa mukha nya ang mga katanungan na gusto niyang biyan ko ng kasagutan. Kaya binuhat ko si Jack at ibinigay kay Jongsuk.



"Jongsuk please umuwi muna kayo sa hotel please."



"Papa ayotho po umuwi gusto ko pa po kasama si Daddy."



"Anak may pag uusapan lang kami ng daddy mo ha."



"Ok pero wag po siya papabalikin sa America ah."



"OO anak wag kang mag alala hindi ako pupunta sa ibang bansa, Mag uusap lang kami ng Papa Baekhyun mo diba? " Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Chanyeol at inakbayan niya ako para mag agree sa sinabi niya kay Jack.



"O-oo a-aanak.ma-mag uusap lang kami ng Daddy Chanyeol mo."



"Ok hihintayin ko po kayo sa hotel. I love you Daddy. I love you papa,"



"sige na sama ka na muna kay Tito Jongsuk mo. Jongsuk please iuwi mo muna si Jack."



"Sige Baek." Pag kaalis nila agad na hinarap ako ni Chanyeol.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon