Chapter 35

1.5K 45 10
                                    

Chanyeol's POV



Maaga akong nagising kinabukasan, Naabutan ko si manang Gloria na nag hahanda ng almusal. Hindi sila nagkita ni Baekhyun kagabi dahil nakatulog na si Baek kaagad dahil sa pagod.



"Manang ako na po ang mag hahanda ng almusal." Sabi ko



"Mukhang maganda ang gising ng alaga ko ah. Nagkabalikan na ba kayo ni Baekhyun?" ngumiti na lang ako ng mapait at umiling.



"akala ko panaman dito na sya ulit titira miss ko na yung batang iyon. Totoo ba yung nabalitaan ko na may anak kayo?"



"Opo manang kambal po sila kaso namatay yung isa. Pero yung isa healthy siya, bibo katulad ko."



"Sabi ng Kuya Luhan mo kamukhang kamukha mo yung anak mo."



"Opo manang mamaya po makikilala niyo na po si Jackson.Ay manang tulungan niyo na lang po ako mag handa ng almusal baka magising na si Baek pati yung mga bata." Maya maya nakarinig na ako ng mga yabag at bumungad si Baekhyun sa kusina.



"Manang Gloooooriaaaa....." excited na sigaw ni Baekhyun at niyakap si Manang.



"Baekhyun anak... kamusta na?"



"Ok naman po ako kayo kamusta na parang hindi pa din kayo nag babago mukha pa din kayong bata."



"Sus ikaw naman hindi ah eto nga puro puti na ang buhok ko at saka madami ng kulubot tong balat ko. Ikaw mukhang pumayat ka ah anak. Kumakain ka pa ba?"



"Sadya lang po talagang sexy ako. Haha"



"Ikaw talagang bata ka hindi ka pa din nag babago palabiro ka pa din."



"Papa..." Sabay sabay kami napalingon sa may pintuan. Nagising na pala si Jacskon. Binuhat ito ni Baek at pinakilala niya si Jackson kay Manang Gloria..



"Anak siya si Lola Gloria mo"



"Lola? Mama po ni Daddy?"


Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon