Chapter 39

1.4K 40 5
                                    

Chanyeol's POV



"ginawa ko na kung ano ang gusto mong mangyari. Mag papakasal ako sa anak mo kahit labag sa kalooban ko. Basta siguraduhin mong ligtas ang mga anak ko at si BAekhyun."



"Masunurin ka naman pala eh. Hindi ko muna sila papakawalan hanggang hindi pa kayo nakakasal ni Irene. Dahil sa oras na umatras ka sa kasal niyo bukas mawawala sila ng parang bula."



" Walang hiya ka talaga...." Gustuhin ko man siyang patayin pero hindi ko magawa dahil hawak hawak ako ng mga body guards niya.



"Magkakasundo tayo kung magiging masunurin ka. Papakasalan mo ang anak ko at mabubbuhay ang pamilya mo." Wala siyang puso.



Habang nag hahapunan kami mag anak kagabe may mga armadong lalaki na pumasok sa bahay namin. Sapilitang kinuha si Baekhyun. Sinusubukan ko siyang iligtas pero hindi ko nagawa dahil tinakpan kaagad nila ako ng panyo at biglang nanlabo ang paningin ko. Pag gising ko nasa isang bahay kami. Kitang kita ko si Baek na nakagapos at nakapiring ang mga mata at may takip ang bibig. Pilit kong gumalaw at gumapang papunta sa kanya. Kitang kita ko ang mga sugat at pasa sa buo niyang katawan. Napaka walang hiya kung sino man ang gumawa nito sa amin.



"Baekhyun...."



"UHMMMMM" pinipilit nyang mag salita



"baek gagawa ako ng paraan makaalis lang tayo dito." hindi ko na natapos yung sinasabi ng may nag bukas ng pinto.



"how romantic naman .... Pero mukhang matatapos na kaagad ang romantic scene niyo ngayon."



"Ikaw!!!" ang taong nag ka kidnap sa amin ay walang iba kundi ang tatay ni Irene.



"OO ako nga Chanyeol."



"Bakit? Bakit mo ito ginagawa sa amin? Nasaan ang mga anak ko?"



"Wag kang mag alala may mga taong nag babantay sa kanila. Alisin mo nga yung piring ng baklang yan." Utos niya sa isang tauhan niya. Inialis ang piring at yung takip sa bunganga ni Baek. Pilit ko siyang nilalapitan pero hindi ko kaya dahil sa sakit ng pagkakatali sa akin.



"Chanyeol... Chanyeol ayos ka lang ba?" umiiyak siya habang nakatingin sa akin halos madurog ang puso ko dahil nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon