Chapter 37

1.6K 51 8
                                    

Baekhyun's POV


Nagising ako at nakita ko si Chanyeol sa tabi ng kama ko at hawak hawak ang kamay ko. Andito pa din ako sa ospital, ayaw pa akong paalisin ni Dr. Yixing dahil gusto niya makasigurado na hindi na ulit aatake ang sakit ko. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib, nasa tabi ko na ulit siya. Kumpleto na ulit ang buhay ko. Pero may pangamba pa din ako, alam kong tutol ang daddy niya sa relasyon namin. Dahil ayaw niyang gawin din ni Chanyeol ang ginawa ng kapatid niya. May tiwala ako sa kanya na ipaglalaban niya ako katulad ng ginawa ni Luhan Hyung sa pag iibigan nila ni Sehun. Hinimas himas ko ang buhok niya gamit ang isa kong kamay, maya maya nagising siya.



"Good Morning Kapre ko."



"Gising ka na pala Dwende ko. Ano nagugutom ka na ba gusto mong kumain? O nauuhaw ka teka kukuha ako ng tubig." Natatawa ako sa kanya sunod sunod ang tanong, kaya hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya palapit sa akin. Napaupo siya sa tabi ko.



"Relax ka lang Kapre ko, ang gutso ko lang naman eh andito ka sa tabi ko." Teka ang keso ko juskooo.



"ayieee namiss ako ng dwende ko no? ikaw talaga oo na sige na dito lang ako sa tabi mo." At ayun humiga din siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko siya ngayon. Ito ang isa sa mga hinihiling ko ang makasama siya ulit. Napatingin kami sa may pintuan ng may nag salita.



"OH.... MY .... Gwadd,..... what is the meaning of this? Beks????"



"Beks!!!!!!!!!!!!!" nag balik na si Kyungsoo galing sa honeymoon nila ni JongIn.



"Teka bakla anong ibig sabihin ng nakita namin?" nag lipat lipat siya ng tingin sa amin ni Chanyeol, naghahanap ng kasagutan.



"Nag kabalikan na kami." Sagot ni Chanyeol. At tumango naman ako bilang pag sang ayon.



"Teka paano yung kasal mo Yeol?" Napatingin ako kay Chanyeol para sa sagot niya. Alam kong mahirap ang sitwasyon niya, lalo na sa papa niya.



"kakausapin ko ulit si Irene na icancel yung kasal, pati si Daddy kakausapin ko para matanggap ang relasyon namin ni BAekhyun. Lahat gagawin ko para lang mag kasama kami ni BAek pati ng mga bata, para maging isang pamilya na kami.At lahat gagawin ko para protektahan siya at ang mga bata." Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Chanyeol. Sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ang likodang bahagi nito.



"Ayun naman, lalanggamin na kayo sa sobrang sweet niyo. JongIn... naiinggit ako. Kiss mo din ako dali." Sabi ni Kyungsoo sa asawa niya at pinahaba yung nguso niya. At pinag bigyan naman ito ni Kai.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon