Ending

5.7K 74 5
                                    

I do belive in "Nakamamatay ang maling akala" I'm such an idiot to think that Rain and Eion are officially together and they have a kid, who really looks like Eion. I didn't think that Kuya Silver is really in the picture.

"Ice." Gulat na tawag sakin ni Kuya Silver.

I faked a smile. Hindi ko alam kung anong irereact ko ng dahil sa katangahan ko. Talagang inisip ko na si Eion at Rain ay mag-asawa. Nakakahiya! Fuck.

"Daddy!!" Napatingin ako sa batang si Ethan na itinaas ang dalawang kamay. Binuhat ito ni Kuya Silver at hinalikan sa ulo. Now, I really know. Kuya Silver is really the father. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa.

"Bakit umiiyak ang gwapo kong anak huh?" Marahan na tanong ni Kuya Silver sa batang si Ethan. Lumapit sakanila si Rain at hinahagod ang likod ng batang si Ethan.

I weakly smiled. They look like a happy family! Unti-unti akong humakbang palayo. Ayokong mainggit. Hindi na dapat ako mainggit sa pamilya ng iba. Mayroon akong anak. Okay na kami ng Daddy ko. Hindi na dapat pa akong mainggit. Wala ng dahilan!

Habang naglalakad ako papunta sa gate ng Xavier. May naaninag akong isang taong nakatayo. Nakapamulsa at nakatitig sakin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatayo siya sa dilim. Who is that? Hanggang sa unti-unti na akong nakakalapit sa may gate. Then I know who is this guy.

Nakatayo na ako sa harapan niya. Mariin siyang nakatitig sakin. Nakapamulsa siya at talagang napaka-gwapo niya sa suot niyang all black suit. No, Ice! Hindi mo siya dapat pinupuri ng ganyan. Sinaktan ka niya. Napailing ako sa malikot kong pag-iisip. He hurt me with reason. Still, I still hurt. Deep!

Unti-unti siyang naglakad papunta sakin. Palapit sakin. Hahakbang sana ako paatras ng itaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak na puting panyo.

"Don't move." Seryoso niyang sabi.

Parang isang spell sakin ang sinabi niya, kaya agad akong napahinto sa pag-hakbang paatras. Hindi ko alam pero parang lahat ng bagay, tao ay nag slowmotion ng itaas niya ang kamay niya papunta sa pisngi ko na may hawak na panyo at ipinunas niya doon. Ano bang ginagawa niya? Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mabilis din na nabuhay ang dugo ko at kumalat sa buo kong katawan. God, Eion! You're torturing me with that little gesture of yours!

Ngumiti siya ng bahagya matapos niyang ipunas ang panyo sa aking pisngi. "Better."

May dumi ba ako sa mukha? Anong dahilan niya, bakit niya ipinunas ang panyo sa aking pisngi? Nagda-drugs na ba si Eion? Nako! Baka patayin siya ni President Digong, pag nagkataon.

"B-bakit mo pinunasan ang pisngi ko?" Mahina kong tanong habang nakahawak ako sa aking pisngi.

Umiwas siya ng tingin. "Rafael kissed you." Parang batang sabi niya.

Laglag ang panga kong napatingin sakanya. Oh! I remember. He kissed me in the cheek! Nakita niya pala 'yon? But, it's a friendly kiss.

"Ah." Tanging nasabi ko.

I bit my lip. Wala akong masabi. Naiilang ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nahihiya ako! Ilang minuto ng wala ni isa saming nagsasalita. Parehas lang kaming nakatayo sa harapan ng isa't-isa. Hanggang sa merong isang sasakyan ang nag high-beam samin. Damn! Nakakasilaw naman. Sa harapan pa mismo namin. 

"The fuck, Kuya?!" Inis na sigaw ni Eion at hinawakan ang kamay ko at parehas kaming gumilid na dalawa.

Huminto ang itim na Lexus RX sa tapat naming dalawa ni Eion to see Kuya Silver, devilishly smiling from ear to ear.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now