Seventeen

2K 37 0
                                    

Mag-aalas kwatro na ako bumalik sa beach house. Alam ko sa sarili ko na namamaga ang aking mga mata! Daig ko pa ang namatayan ng mahal sa buhay, pero ang pinagka-iba nga lang ay ang puso ko ang namatay. Kinabukasan, sinadya ko talagang hapon na magising para maka-iwas sa kay Eion. Pero alam ko naman na siya pa ang iiwas sakin!

"Sweetheart, are you ready? Please, eat first before you take a bath." My dad said ng dumaan siya sa kwarto namin.

"No dad. I'm not hungry yet! I'll take a bath para po mamakeup-an na ako. Naka-ayos na po ba ang mga abay?" Tanong ko. Nakaligo na si Daddy at nakasuot na ng light blue longsleeve.

Tumango siya at ngumiti siya. "Yep. But don't worry, take your time, sweetheart. The wedding start in five! It's still three. Madami ka pang oras, kumain ka after you take a bath." Aniya at inabot sakin ang towel.

I nodded. Pinasadahan ko ng tingin ang susuotin kong white cocktail dress at ang flower crown. I sigh! Kapartner ko si Eion mamaya, hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko kapag nakita ko siya. Hindi ko din alam kung anong pakikitungo ang gagawin niya sakin. I'm scared with my thought!

After kong maligo. May nagpunta ng make-up artist sa kwarto para ayusan ako. Tahimik lang ako habang dada ng dada ang baklang nag-aayos sakin. Light makeup lang ang ginawa niya sa mukha ko. Tutal ayoko din talaga ang mga makakapal na makeup, parang hindi ako! Kinulot niya ang dulo ng buhok ko. Okay naman ang kinalabasan, mukha akong diwata! Diwatang wasak ang puso.

"Ayan, be! Ang ganda-ganda mo na. Parang kang diwata." Palakpak ng bakla. Sakto at bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kapatid kong gwapong-gwapo sa suot niyang light blue na longsleeve na itinupi hanggang siko.

"Wow! You look stunning, my little sis! Nagpapaganda ka siguro dahil sa magiging partner mo." Asar niya sakin.

I just smiled! Kung alam mo lang Kuya Sky ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Ang gwapo-gwapo mo talaga Sky! At ang yummy mo pa. Magkamukhang-magkamukha kayo ng kapatid mong maganda." Kinikilig na sabi ng baklang nag makeup sakin.

Inakbayan ako ni Kuya Sky. "Sempre naman. Dugong Samaniego 'to!" He proudly said. "Let's go, mag sstart na ang wedding. Ang bride ang huling darating at hindi ikaw Ice." Aniya pa.

Napangisi nalang ako sa sinabi ng kapatid ko at napailing. Kahit kailan talaga ang kapatid ko! Pero sana katulad niya nalang ako, walang problema at walang iniintindi.

Maganda ang pagdarausan ng kasal. Isang beach wedding. Napuno ng puting rosas ang mga buhangin at mga nag gagandahang kahoy para sa aming mga upuan na may nakalibot na mga puting rosas. Sa harap ng altar may pulang carpet na siyang paglalakaran ng bride papunta sakanyang groom.

Nagsimula na ang wedding. Unang naglakad ang mga batang ring bearer at mga batang babaeng abay. Kasunod naming mga teenagers na abay! Eion's not here. I guess, ayaw niya akong makita. Batid ko ang mapanuring tingin sakin ng kapatid ko dahil wala pa si Eion sa tabi ko. Malapit na akong mag martsa pero ito ako at daretcho lang ang tingin. Bukod tanging ako lamang ang wala pang partner. Poor me! Pati ba naman sa paglalakad papuntang altar ay wala na akong partner.

Sunod na akong maglalakad ng maramdaman kong may tumabi sakin. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sakanyang matipunong braso! I stiffened. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Walk." Malamig na sabi niya. Biglang bumagal ang tibok ng puso ko ng malamig pa sa pangalan ko ang pagkakasalita niya.

Nagtagis ang panga niya. Halata sa mukha niya ang pagka irita. Ayaw niya sa ginagawa niya! I Understand. Sino ba naman ang matutuwa sa isang kagaya ko, isang kaibigan na umaming mahal na mahal niya ang kanyang kababatang kaibigan. Parang isang disgrace para sakanya ang ginawa ko!

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now