Fifteen

1.9K 28 0
                                    

Nag-iimpake ako ng mga damit ko para sa kasal na aatend-nan namin nila Daddy sa Cebu. Kasama ang pamilya nila Eion samin, pero hindi ko alam kung kasama ba siya. Until now kasi hindi ko parin siya nakakausap. Nakikita ko na siya sa school pero wala akong chance na makausap siya.

My phone ring.

Rain Estrella calling.....

"Hello, Rain. Bakit?" Tanong ko sa kabilang linya.

"I heard from Storm, hindi daw kayo nag-uusap ni Thunder? Magkaaway kayo?" Tanong niya.

Umupo ako sa aking kama. I sigh. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Thunder nung nakaraang linggo, hindi na kami masyadong nag-uusap. Galit yata siya sakin. Ang sabi sakin ni Storm, papansinin lang daw ako ni Thunder kapag nagawa ko na ang pagtatapat na sinasabi ko. Titignan daw niya ang resulta! Fuck him! So kapag hindi ako nagtapat, hindi niya ako papansinin? Baliw talaga.

"Yes! Baliw 'yang pinsan mo, although may point naman ang mga pinag-sasasabi sakin. Kaso nakakainis parin!" Pag amin ko.

"Baliw ka din daw!" She chuckle.

Nanlaki ang mata ko. Napaayos ako ng upo! "Nakaloud speaker ba 'tong tawag mo?!"

"Silly! Ofcourse not, he said that nung nagtanong ako sakanya. My god?! Letche kasi 'tong lagnat ko, wala tuloy akong masagap na issue."  Biro niya.

Tumawa ako. "Yan kasi! Makasarili kayo ni Storm. But seriously, get well soon."

"Salamat... tuloy kayo ngayon?" Pagtatanong niya.

I nodded kahit hindi niya nakikita. "Yep. Nag iimpake na ako ngayon, mamayang hapon ang flight namin pa-Cebu."

"Ow... hindi kayo landtrip?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

"Try mo, Rain!" Sabi ko at tinawanan lang ako.

"Joke! Sige na nga, text-text nalang. Ingat kayo sa byahe.. pasalubong ha?"

"Three days and two nights lang kami dun. Pero sige na nga! Salamat narin, bye!" Then I hung up.

Kumatok si Daddy sa kwarto ko.

"Dad, bukas yan!" Sigaw ko at muling pinagpatuloy ang pag iimpake.

"Are you ready, sweetheart? On the way na tayo magla-lunch. Traffic daw pa-airport!" Aniya at tinulungan akong mag zipper ng bag ko.

"Yes Dad. Pababa nalang po nitong bag ko? Magbibihis nalang po ako." Sabi ko.

Tumango naman si Daddy at lumabas na ng kwarto kasama ang aking bagahe. Nagpunta naman ako sa walk-in closet ko at kumuha ng isang fitted jeans at isang plain deep v-neck shirt. Isang black na kilalang brand lang din na slippers ang suot ko! I don't wanna wear any kind of flat shoes today. After that bumaba na ako to see my Dad and Kuya Sky, waiting for me.

Tumaas ang kilay sakin ng kapatid ko at tumagal ang titig sa aking paa. Napatingin rin ako sa aking paa! What's wrong with my feet?

"We're going to Cebu, Ice. Mag sstop over din tayo along the way for lunch. Seriously? Naka tsinelas ka lang?" Aniya ng di makapaniwala.

I pouted.

"Comfortable." Tanging sagot ko at tumuloy na pababa ng hagdan. Inakbayan naman ako ni Daddy.

"Sa nagdadala naman 'yan, Sky." Ani Dad then he winked at me.

I heard my Kuya sigh. "Hay! Mag-ama nga talaga kayo."

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now