One

8.6K 84 4
                                    

Icelyn Stewart Samaniego

"Baby, hindi muna kailangan pang lumipat ng ibang school to prove na inlove na inlove ka nga sa lalaking iyon." Ani ni Mommy nakahalukipkip.

I heaved a sigh bago lingunin si mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nagtitiklop ng mga damit para ilagay sa maleta ko. I'm moving to CDO tomorrow at doon na ako mag-aaral ng college at titira ng apat na taon.

"Mommy, napag-usapan na po natin 'to diba? And you agreed. In fact, nandoon naman si Daddy at si Kuya Sky." Paliwanag ko.

"But still, four years ka parin sa CDO. Matagal 'yun baby para sakin." Aniya pa na naiiling.

"Mom. Daddy and Sky are there, so don't worry." Naiinis kong sabi. Heto na naman si Mommy sa pagiging overreacting niya. As if naman na may mangyayari sakin na masama sa CDO. Nandun ang daddy at kapatid ko, even my two childhood friends naroon din.

"Isa narin yan sa point ko baby, maiiwan ako dito mag-isa. Hindi ko alam kung maalagaan ka dun ng tatay at kuya mo sa Cagayan." Nakahalukipkip na saad niya. Bumuntong hininga ako. Here we go again. Ipinagpatuloy ko nalang ulit ang ginagawa kong pag-iimpake ng mga damit at gamit ko habang talak siya ng talak tungkol sa pag-alis ko sa puder niya. "Knowing them puro sila mga open-minded   sa. Tska hindi pa ba ako sapat para umalis ka? Your friends are here. Dito ka nalang, baby. If you want Eion, then I tell your Ninang Irene na dito na patirahin at pag-aralin si Eion." Tinignan ko ng masama si Mommy.

"Mom! Ayan ka na naman eh. Hindi po si Eion ang dahilan ko para tumira sa CDO ng apat na taon, sila daddy po yun dahilan." Kunot noo kong sabi sakanya.
"I know baby, p-pero kasi he still the reason why you need to leave me." Yeah. My mom's right. Still Eion. "Hindi kana ba mapipigilan?" She said in defeated.

"Mom..." Tumayo ako at niyakap si Mommy, mamimiss ko ng sobra ang mommy ko kapag nakarating na ako sa CDO for sure. "Mamimiss po kita ng sobra, I promise dito ako magce-celebrate ng christmas. It's just.... Daddy and Kuya time po muna."

Mom hugged me back. "Okay, baby. As long kung saan ka masaya. If may time ako, dadalawin kita doon. Mag-aral ka ng mabuti doon okay? Call and text me. I will miss you, baby." I smiled then I nod. Surely, I will miss my crazy and overprotective mother.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now