Four

2.6K 46 1
                                    

I rolled my eyes to him. Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang kamay sakin. Mukha niya! I know him. Bakit ba ang stupid ko na hindi makilala ang hinayupak na lalaking ito? Oh well, hindi naman pala kasi katanda-tanda. Itsura nito! Tinaasan niya ako ng kilay.

Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at walang hiya na kinulbit ang lalaking katabi ko ng upuan. Bahagya kong nakita ang pagtaas ng kilay nitong Rafael Montefalco sa ginawa ko. But I ignore him. Napatingin sakin ang lalaking kinulbit ko.

"Yes?" Nagtatakha niyang tanong.

"Darating ba ang professor para sa subject na ito?" Walang habas kong sabi.

Umiling siya at itinuro ang harapan. "Attendance lang ngayon. Nasa lamesa ni Ma'am ang papel..."

Tumango ako at dali-daling nagpunta sa harap para magsulat ng pangalan ko for the attendance. Gosh! Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ako kinakabahan o nagmamadali. Nilingon ko saglit si Rafael na nakapameywang nakatitig sakin na mayroong nakakalokong ngiti. Inirapan ko siya bago lumabas ng classroom.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone sa pocket ng uniform skirt ko. I smiled.

Eion: Just woke up. Wait for me there, Ice. I'm coming in a thirty!

I smiled. Eion's coming and I'm so excited.

"Tsk! Smile like an idiot."

Nawala ang ngiti ko. Lumingon ako para makita kung sinong talipandas ang nag-sabi noon. Kumunot ang noo ko. Hindi nalang siya nag-iisa ngayon, lima na silang pare-parehas na nakatingin sakin.

"Who's that chic, bro?" Kunot noong tanong ng isang matangkad din at may bad boy image habang nakaturo sakin.

Tumawa ang pinaka-mukhang mabait sakanilang lahat pero mukhang hindi naman mapagkakatiwalaan sabay akbay kay Rafael. "Don't tell me, Raf. Siya na ang ipinalit mo kay Tatiana? Hm. Nice taste!"

Mariin lamang na nakatitig si Rafael sakin at hindi sinasagot ang tanong ng mga kasama.

"T-teka! I know you!" Turo ng nasampal ko kagabi. He look like a playboy! But a hot-baby plaboy for me. Tss.

I rolled my eyes at dumapo ang mata ko sa lalaking tamad na nakasulyap lamang saming lahat habang nakapameywang. I know him. Elijah Riley Montefalco is his name! Sino ba namang hindi makakaalala sakanya? Napailing na lamang ako sa mga naiisip.

"Ano? Head over heels ka parin hanggang ngayon kay Eion, ha Ice?" Panunuyang tanong ni Rafael.

Tinaasan ko ito ng kilay. Ano bang alam niya? Noong nagbakasyon ako dito four years ago ay hindi nila close si Eion. Me too, I'm not closed to them. Tanging si Kuya Knoxx lang ang close ko dahil classmate at teammate sila ni Eion nung highschool. Maeepal lang talaga ang limang ito!

"Teka sino ba talaga siya?" Curios na tanong ng mukhang bad boy look.

"She's Ice, Dame." Walang ganang sagot ni Rafael.

Pinanliitan ako nito ng mata at bigla na lamang siyang napamura ng malakas!

"Putang.....ina! Ikaw si Ice? Yung maliit na babae na patay na patay kay Eion noon?" Tanong niya, nanlalaki ang mata.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now