Twenty Six

2.3K 26 0
                                    

My birthday came and I'm so very excited. Maaga akong nagising at mabilis na nag-ayos para pumunta sa burol. Kailangan na maging espesyal itong araw na ito para saming dalawa ni Eion. This is my 21st birthday. And I'm willing to do anything just for him. I hope before my birthday end, he will loved me back or kahit na bumalik nalang ulit siya sakin. I'm longing for him.

Habang abala ako sa pagbili ng mga kakailanganin ko para sa dinner date namin mamaya ni Eion sa burol ay panay tunog ng cellphone ko. Puro birthday greetings ang natatanggap ko. Pero isa lang naman ang hinihintay ko na mag-greet, kaso hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap mula sakanya. Maybe, mamaya niya pa ako babatiin at siguro hindi lang ako ang may surpresa para sakanya. Matapos kong mabili lahat ng ingredients para sa mga paboritong ulam ni Eion ay mabilis akong nagbayad at umuwi ng bahay. Magpapaturo akong magluto sa maids namin. Hindi ko narin naabutan si Daddy at Kuya Sky ng makauwi ako. I guess, hindi exceptional para sakanila ang birthday ko. They're still mad at me. Ni hindi nila ako binati. I understand! Ang mahalaga ay matuto akong magluto ng mga paboritong ulam ni Eion. Magiging masaya ako ngayong araw dahil si Eion ang makakasama ko sa birthday ko. Kaming dalawa lang. Sa burol. Itatama ko ang lahat. Pipilitin ko siyang bumalik sakin. Hindi man niya ako mahalin pabalik. Ayos na sakin iyon! Ako ang magmamahal sakanya. Huwag niya lang akong itaboy.

Hapon na ng matapos lahat ng mga niluto ko. Pinalagay ko na ang lahat sa maayos na tupper ware ang mga ulam at tska pinalagay sa kotse. Naligo muli ako at nagsuot ng pulang dress para sa araw na ito. Pinaghandaan ko talaga ang birthday kong ito! Nagpahatid pa ako sa driver namin papunta sa burol at nagpatulong sa pag-aayos ng mga table at chairs. Sana lang ay huwag umulan! Matapos nilang maisaayos lahat ng kakailanganin ay pinaalis ko na sila. Saktong alas-sais dumating ang pina-aaranged kong mga bulaklak at rose petals. Ikinalat ko pa ang mga ito sa lamesa at sa nagsisilbing carpet dito sa burol. At saktong alas-otso dumating ang cake.

Napangiti ako sa kinalabasan ng ginawa kong candlelit dinner namin ni Eion ngayong gabi, sa araw ng birthday ko. Everything set! Sa punong pinalagyan ko pa ng christmas lights. Sa mga petals na nakakalat sa mga carpet at lamesang napapaligiran ng petals at kandila. So romantic! Everything set! Si Eion nalang ang kulang. I decided to text him.

To: Eion Sarmiento: Hi. Where are you? I'm already here. I'm waiting.

I sigh. At naisipang kunan ng litrato ang ginawa kong romantic dinner para sa kay Eion. I posted it in Instagram. "A romantic dinner date I made for Eion. Happy birthday, to me." And that's the caption.

Minutes passed. Hours passed. There's no sign of Eion. I texted him and I tried to call him pero hindi niya sinasagot. Para na akong tanga naghihintay sa wala. He promised me! This is my birthday. Bakit wala pa siya? Everytime kong pinapaalala na pumunta siya dito. Pero where is he now?

"Nasaan kana ba?" Bulong ko sa sarili ko habang pilit ko siyang tinatawagan.

Eleven na. Pero wala parin siya. Isang oras nalang at matatapos na ang birthday ko! Darating pa ba siya? Nagsisimula ng lumandas sa mga mata ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. He didn't even greet me. Where are you now, Eion?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito. Pero laking panghihinayang ko ng hindi siya ang tumawag. It's my Kuya! Tulala akong nakatingin sa ginawa kong sorpresa sana para kay Eion. Magmula sa mga kandila na malapit ng maubos. Sa pumpon ng bulaklak na nalalagas na. Sa cake. Sa mga niluto kong ulam para sakanya. Lahat! Mukhang masasayang lang.

"Where are you? Umuwi kana." Malamig na sabi ng kapatid ko sa kabilang linya.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko. "Thanks for your greetings, Kuya." Mapait kong sabi.

"Ice... are you crying?" May tonong pag-aalala na sabi niya.

Tumulo muli ang luha ko. "Why is it to you? Galit ka.. kayo ni Daddy. Birthday ko ngayon pero hindi niyo ako nagawang batiin." Hinanakit ko. "Yeah! Happy birthday to myself." I said sarcastically before I end the call.

Nakatanggap ako ng text messages from unknown number. Kumunot ang noo ko at the same time mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Unknown: Eion Sarmiento is a totally fucked up wasted man na nagwawala sa tapat ng Lifestyle District! He's drunk.

Mabilis akong tumayo at nagmadaling umalis sa burol para puntahan si Eion sa Lifestyle District. Wala na akong pakialam sa kung sino man ang nagtext tungkol sa kay Eion. Ang mahalaga ngayon ay ang makita ko siya at kung totoo nga na nagwawala siya doon. Bakit niya naman 'yon gagawin? Bakit siya maglalasing ng basta-basta nalang? Sa pagkakakilala ko sakanya, ay hindi siya ganoon. Yes, he's into alcohol pero hindi siya nagwawala. At bakit siya magpapakalasing, alam niyang birthday ko ngayon at alam niya rin siguro na nag promised siyang pupunta.

Mabilis akong lumabas ng taxi matapos kong magbayad. I saw Eion! Nakaupo siya sa semento habang may hawak na bote ng Smirnoff at may nakapalibot sakanyang tatlong bouncer. Patuloy siyang umiinom habang nagsisisigaw. He's totally drunk and wasted! What happened to him? Hindi ko maihakbang ang paa ko palapit sakanya. Para akong napako sa kinatatayuan ko at patuloy lang siyang pinag mamasdan sa malayo. Bakit siya nagkakaganyan? Anong dahilan niya?

"Kanina pa siya umiinom diyan mag-isa. When he saw my cousin and Hendrix, bigla siyang nag-wala at hanggang ngayon patuloy parin siya. Hindi siya maawat! He's like a beast. A love sick beast."

I heard Rafael Montefalco voice behind me. Wala na akong lakas pa na harapin siya at sungitan! Wala na akong lakas. Si Erin Montefalco parin pala talaga ang dahilan. It's always been her. Siya palagi ang dahilan ni Eion kung bakit siya nagkakaganyan. Eion really loves Erin. And I'm really Inlove with Eion Sarmiento.

"I saw your post on Instagram. Are you that desperate? Really? Nagawa mo 'yon? Tss. That bastard really lucky to have you. But he's an asshole!" He said.

"Leave me alone." Walang emosyon kong sabi.

Magsasalita pa sana siya ng lumakad ako palapit kay Eion. Ayokong marinig ang mga pinag-sasasabi niya dahil naiinis ako, kasi totoo lahat ng iyon. Naiinis ako kasi kahit anong sabihin niya ay totoo. Nilapitan ko si Eion na namumula na sa sobrang kalasingan at namumungay na ang mata. Lumuhod ako para mapantayan ko siya. Kinuha ko sa kamay niya ang bote ng alak at nilayo iyon sakanya.

"Ma'am. Babalik na po kami sa loob, iuwi niyo na po 'yan at nangungulo lang siya. Sige po!" Paalam ng bouncer. Tumango ako at tinignan muli ang lalaking mahal na mahal ko.

Ngumiti si Eion at hinawakan ako sa pisngi. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon. I miss his touch. Damn!

"You came. I'm sorry, for hurting you..." Aniya sa paos na boses habang hawak parin ang pisngi ko.

Umiling ako habang naluluha na naman. Hindi ko alam pero nagiging emosyonal ako kapag kaharap ko si Eion. Hindi ko maintindihan pero iba ang pakiramdam ko. Napakabilis ng kabog ng dibdib ko kapag palagi ko siyang kaharap.

"I'm sorry, patawarin mo ako sa ginawa ko...."

Patuloy lang ako sa pag-iling habang nakatitig sa namumungay na mata ni Eion. God! I miss this boy kahit na patuloy niya akong sinasaktan.

"It's okay, Eion. Wala--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalitang muli.

"...Erin, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako." Aniya.

Parang ulan ang mga luha ko.

Akala ko noong una, masakit na baliwalain niya ako. Akala ko noong una, masakit na pilit niya akong tinataboy. Akala ko noong una, masakit na hindi niya ako kayang mahalin pabalik. Pero mas masakit pala na nakikita ka niya ngayon bilang si Erin Montefalco, ang babaeng mahal na mahal niya. Mas masakit palang pagkamalan ka niyang ibang babae habang ikaw mismo ang kasama niya. Sobrang sakit pala!

I bit my lip. I tried to hold back my tears pero patuloy lang silang lumalandas sa mata ko. Hindi ko na kaya pang magsalita pero kailangan kong pilitin. I am not Erin Montefalco!

I tried to smile and I carress his face. I swallowed hard. "Eion.... h-hindi ako si Erin Montefalco. A-ako 'to, si Ice." And I cried infront of him. Again!

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now