Twelve

2K 31 0
                                    

We made a lot of activities here in Camiguin, like surfing. Nag try kaming mag surf kahit na hindi kami marunong. Puro tawanan lang ang nangyari saming apat kapag may nahuhulog na isa samin sa surf board. Si Thunder at Storm ay sinubukan ang jetski. Naiinggit nga si Rain dahil hindi niya masubukan because of me. Natatakot kasi akong sumakay! We also try the banana boating and beach volley ball. All in all naging masaya kaming apat sa mga pinag gagagawa namin dito sa Camiguin. Nag photo shoot din kaming tatlo, Thunder is a damn kill joy! Ayun at siya ang naging dakilang photographer.

Thank god at hindi ko na nakita ang bulto o anino man lang ng Rafael Montefalco na iyon. Kahapon kasi ay nag walkout ako sa restaurant, dahil sakanya. Lumangoy lang ako sa beach ng umalis ako doon. Feeling ko naman, nabawasan ng konti ang inis ko kay Rafael Montefalco ng lumangoy ako sa dagat. I heard from Thunder na nag beach hoping daw ang mga Montefalco with their friends. Eion's there, I'm sure of that! Hindi na kami sumunod dahil kumukulo lang dugo ko kapag nakikita ang pinsan nilang iyon.

"Sure ka bang dito nalang tayo, mag sstay? Hindi mo nakita si Eion." Ani Thunder.

Yes! Siya ang kausap ko ngayon. Hindi si Rain! Busy kasi si Rain kay Storm. Nagsi swimming sila sa pool, beside our tree table.

I shrug my shoulder.

"Hindi ko talaga alam, Thunder. Natatakot akong makita siya na masaya kay Erin Montefalco." Pag tatapat ko.

Sumandal siya sa kahoy na upuan at ipinatong ang dalawang braso sa hawakan nito. Tumingala siya kaya kitang-kita ko ang kanyang adam's apple. Nagtagis din ang kanyang panga. He's topless! Nakasuot din siya ng aviators.

"Coward like you doesn't deserved Eion's love."

I creased my forehead but I looked away. Yeah! Thunder's right. He's damn right.

"I know. Alam na alam ko iyan, Thunder. Kaya huwag mo ng ipamukha sakin." May halong inis na sabi ko.

Ngumisi siya at tumingin sa direksyon nila Storm at Rain na masayang lumalangoy habang nakapasan si Rain sa likod ni Storm. I took my cellphone. Kinuhanan ko sila ng picture together! Maganda itong ilagay sa instgram ko.

"Hanggang kailan ka magiging duwag, Ice? Hanggang kailan mo itatago 'iyang nararamdaman mo para kay Eion?" Seryoso niyang sabi.

Napatingin ako sa nag aalab niyang tingin sakin. Umiwas din ako ng tingin! Kapag tinititigan ko siya, nakikita ko sakanya si Rafael Montefalco.

"Hanggang sa kaya ko! Sa tingin mo ba? Kapag ipinag tapat ko kay Eion na mahal ko siya, may mag babago ba?" Umiling ako. "Walang mag babago doon, Thunder. Or worse, lalayuan niya lang ako." Mapait kong sabi.

"Bakit hindi mo gayahin si Rain? Hindi sila ni Storm, pero nakakaya niyang ipakita at iparamdam kay Storm ang pag mamahal niya. Look at them now. Hindi naman iniwasan o nilayuan ni Storm ang pinsan ko ah."

Napatingin ako muli kala Storm at Rain. I smiled ng nakita kong nagbabasaan sila ng tubig sa mukha. How I wish, ganyan din kami ni Eion.

"Iba si Rain, at iba rin ako. Magka-iba si Storm at si Eion. Si Storm at Rain, alam kong may feelings sa isa't isa. Kami ni Eion? One sided lang...."

Thunder pouted. "Then try my Kuya Raf....then."

Nanlaki ang mata ko. "No way!" Over my dead body.

Tumawa siya ng malakas. Itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusurrender na. "Okay, okay! Pfft nagjo-joke lang ako."

I rolled my eyes.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now