Five

2.4K 31 0
                                    

Hinintay ko ang araw ng friday, dahil ayun mismo ang araw ng uwi nila galing bakasyon with his friends. Eion said na nagkayayaan na daw umuwi dahil releasing na ng grades sa mga araw na iyon. I don't know pero sa tingin ko, mas kabado pa ako kay Eion. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung nasasaktan parin ba siya. Hindi ko alam kung paano niya naitatago ang nararamdaman niya towards, Klare Montefalco.

Knowing Eion, hindi siya basta nagku-kwento ng mga ganitong ka private na bagay, lalo na ang pagka basted niya sa babaeng iyon. Kilala ko siya na itinatago nalang ito at isinasarili, well yeah oo, sinabi niya sakin ang nangyari, dahil alam kong pinagkakatiwalaan niya kahit noong mga bata pa kami. Maswerte ako dahil ang ganitong pangyayari sa buhay ni Eion ay sinasabi niya sakin.

Pinagmamasdan ko lang si Eion, na kanina pa umiinom ng Jim Beam dito sa bahay nila. Tinawagan niya ako pagkauwing-pagkauwi niya galing sa bakasyon nilang magkakaibigan. Hindi ko alam kung kumain na ba ang lalaking ito, o nag palit na ba ito ng damit. Pagkarating ko kasi sa bahay nila ay nag uumpisa na siyang mag-inom.

"That's enough, Eion! Pwede ba? Huwag mong languin ang sarili mo sa alak! Hello? You are Eion Sarmiento for pete sake!" Ani ko at inagaw ang basong dapat iinumin niya.

Galit siyang tumingin sakin at inagaw muli ang basong kinuha ko sakanya. Umiiling ako! Wala ng pag-asa ang isang 'to. Patay gutom sa alak!

"Shut up, Ice! Wala kang alam kaya pwede? Manahimik ka diyan." Galit na utas niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. So ano palang papel ko dito? Tinawag-tawagan niya ako at inabalang pumunta dito tapos ganyan lang ang sasabihin niya sakin? Grabe siya! Nag-aalala kaya ako.

"Wala naman pala akong alam. So, ano palang ginagawa ko dito?" Matabang kong sabi. "Audience, ganun?"

Bumuntong hininga siya at tumingin sakin. Kita sa mata niya ang pagod, sakit at galit.

"Look, I'm sorry. It's just that..... naguguluhan lang ako." Umiling siya at natulala sa basong hawak niya. "Hindi ko siya maintindihan, Ice. For years, I know that Klare is fucking inlove with me. Hell yeah! Wala akong pakialam noong una dahil alam kong lilipas lang din iyon at m-may nagugustuhan ako...."

Tahimik lang akong nakikinig at nakatitig sakanya.

"P-pero nung birthday ni Kuya Just, something came up to me. Doon ko narealize na, bakit hindi ko napapansin ang ganda ni Klare? She's pretty and everyone knows that. Something change in me..." He smiled habang nakatulala parin sa baso niya. "Hindi ko alam na tinamaan na pala ako sakanya."

Yeah Eion, meron ding something akong nararamdaman sayo. But right now? Something in my heart. Tangina ang sakit! Mabuti pa si kay Klare Montefalco, tinamaan ka. Sakin? Kailan ka kaya tatamaan?

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now