Ililipat na sana niya ang pahina pero pinigilan ko siya. Tumingin siya sa akin na nagtataka marahil naramdaman niya ang panginginig ng kamay, "Tita.. n-nasaan po si Zyren dito?" halos hindi-makahinga kong tanong.


At parang tuluyan na talagang nawala ang hangin sa katawan ko nang itinuro niya ang isang batang naka-salamin, nakangiti, at may braces sa ngipin. Hindi ako makagalaw ng ilang minuto nang biglang sumigaw si Ate Lindsay.


"Found it!!" sabay kaming tumingin kay Ate Lindsay na may hawak-hawak na isang pamilyar na damit. "Kakabili lang niya nito months ago, hindi ko nga ba alam dun, eh. Tapos umaalis pa siya dito tuwing gabi na mukhang nerd." Nag-agree si tita at tumawa ng malakas si ate Lindsay.


Ako? Sinubukan kong tumawa pero parang isang hangin ng disbelief ang aking naipakawala. I clenched my fist at pinigilang pumatak ang luha ko. Ang nerd sa nakaraan ko, at ang nerd na nasa buhay ko ngayon? He's all of them. He's freaking all of them.


*end of flashback*


Natauhan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ni Zyren sa caller's id. Huminga ako ng malalim at pinag-isipan kung sasagutin ko ba o hindi; ilang araw na rin naman siyang tumatawag at sa totoo lang, napapagod na ako sa kakaisip.


Hindi naman sana ako magagalit kung sinabi niya ang totoo; Oo, hindi ko siya mapapatawad agad kung sakali but I can learn how to.


Ang ikinagalit ko lang ay; kinwento at ibinuhos ko na sa kanya ang lahat pero pinili pa rin niyang manahimik. Alam niya ang lahat ng nangyari sa akin at umakto siyang ngayon lang niya iyon narinig. Nag-sinungaling siya. Pinag-mukha niya akong tanga. Niloko niya ako.


Sigh. Fine. In-answer ko ang tawag pero hindi ako nagsalita. Actually, walang nagsalita sa amin ng ilang segundo hanggang sa sinira na niya ang katahimikan.


"Zhaira.." bumilis ang tibok ng puso ko sa boses niya. Pumiyok siya at parang nagmamakaawa. "I know you're there. It's okay if you won't talk, but please, hear me out."


Tumingala ako dahil pakiramdam ko papatak na ang mga luha ko. Ugh, bakit ba napapa-bilis na ang pag-iyak ko ngayon?


"Fuck." bulong niya, "Hindi naman kasi dapat ganito, eh. Balak ko naman talagang sabihin na sayo pero naunahan ako. Princess, I will tell you everything but please don't end the call, alright?" naghintay siya ng sagot; hindi ako nagsalita. He sighed.


"Pinilit ako ni Geoff na maging tutor ng pinsan niya. At first, ayoko talaga." tumawa siya ng mahina pero rinig ko pa rin ang lungkot, "Pinilit pa niya akong maging nerd. But in the end, napilit ako. Sabi ko sa sarili ko; magq-quit din ako agad pagkatapos ng ilang araw."


"The first time we met, tinarayan mo ako noon, diba? I was challenged and I became interested. Sabi ko; pang-past time ko na lang 'to kasi wala na rin naman ako masyadong ginagawa ng mga araw na 'yon. But then I got to know you. I started to fall and I did fall - hard. Tapos kinwento mo sa akin yung dahil kung bakit ka galit sa nerds, and there I believed that fate exists."

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now