CHAPTER 9 : Going Home

Comincia dall'inizio
                                    

"Mag-iingat ka sa mga desisyong gagawin mo iha." natigilan ako sa sinabi ni manong driver, binigyan niya lang ako ng matipid na ngiti pagkababa ko sa taxi niya.

Ang weird naman ni manong. Ganun pa man bago pa makalayo ang sinasakyan niyang taksi nag-pahabol pa ako ng sigaw na "Manong, salamat!"

"Ma'am Louise ikaw ba yan?" tanong ng isang guard sa akin, si Mang Danilo pala, matagal na siyang gwardiya dito sa main gate papasok ng mga mansion. Pero, di na ako sanay na tawaging ma'am simula nung umalis ako sa amin, nakakapanibago na naman.

"Mang Dan ikaw po pala." ngiting bati ko at sumilong sa waiting shed dahil mainit ang sikat ng araw, doon ko naman napansin na may isang guard pa ang nakatayo sa di kalayuan. Di ko masyadong mamukhaan dahil wala akong suot na salamin pero mukhang bagong guard dito sa amin.

"Ang tagal mong nawala iha, mahigit ilang buwan na rin. Mabuti at napagpasyahan mong bumalik rito." pag-ngiti din ni Mang Danilo, tama siya matagal na rin pala simula nung umalis ako. Bago na rin ang kulay ng pintura ng main gate, may bago na ring guard. Si Mang Dan ang tumulong rin sa akin nung gabing tumakas ako.

"Oo nga po, biglaan po. Buti di po kayo nasisante ng magaling kong ama." patudya ko pa, naalala ko tuloy yung gabing nasampal ako ni dad dahil di ko sinunod ang gusto niya. Ngayon naman ay madali na niya akong mapapabalik sa amin.

"Mukhang may problema kayo ng iyong ama, ngunit nagpapasalamat naman ako kay Ma'am Stella dahil siya ang nagpaliwanag kay Sir Arthuro na huwag akong tanggalin sa trabaho. Mahirap na at ito na lamang ang pinagkakabuhayan ko." paliwanag ni Mang Dan, ganun pala ang nangyari. Muntik pa rin siyang tanggalin ni dad pero kung di dahil kay mom wala na si manong guard dito, syempre konsensya ko na rin kung nangyari nga ang bagay na yun.

"Ma'am si Kiko nga pala, pamangkin ko. Bagong guard dito sa atin." pagpapakilala ni mang Dan, lumapit si Kiko na bagong guard dito sa amin at binigyan niya lang ako ng malisosyong ngiti, manyak! Parang huhubaran na niya ako sa mga tingin niya.

Tumango na lang sa kanya at umiwas agad ng tingin. Sarap tusukin ng mata!

"Mauuna na po ako mang Dan at K..Kiko." paalam ko sa kanilang dalawa, nailang pa ako lalo ng parang namalikmata ata ako dahil umastang dumila na parang hayok sa karne si Kiko. Sht! Ano bang klaseng lalake to?!

Pinapasok na agad ako ni Mang Dan sa main gate pagkatapos kong magpaalam sa kanila, di ko na magawang lingunin pa ang manyak na yun!

Maglalakad-lakad pa ako ng ilang minuto dahil maraming streets ang naririto, nakakapagod na ha.

Nang mapagtanto ko na ang isang malaking mansion na white beige ang kulay ng pintura, maging ang block at lot number nito na nakalagay sa malaking gate, nalaman ko na mismo ang tahanang saan ako lumaki, pero nilayasan ko rin.

Nandito na nga ako.

Nakabalik na.

Biglang parang nilamig ako sa kaba at di ko alam kung bakit. Pinag-walang bahala ko na lang yun at tsaka pinindot ang door bell ng gate.

*ding dong*

Habang hinihintay ang taong nasa loob na magbubukas ng gate pinagmasdan ko muna ang kapaligiran dito ngayon. Ganun pa rin naman ang kulay ng pintura ng mansion, mukhang pinatungan lang ulit ng kagayang kulay. Malinis tingnan ang paligid dahil na rin sa mga punong dinadala ng hangin. Sa di kalayuan ay may mga bagong nakatayong establishmento at ilang mansion na rin. Ang tagal na simula nung naglayas ako. Namiss ko bigla.

*ding dong* pag pindot ko pa ulit sa door bell at tsaka naman may isang maid ang lumabas, kasama nito ang isang mabalahibong aso.

Si Archie!

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora