"Zhai, si Rence nga pala, ingat ka, playboy yan." pagpapakilala sa akin ni Rei habang sinamaan ng tingin si Rence.


Tiningnan ako ni Rence at bigla siyang nag-smirk. Ah, shit.


"It's nice to see you. Again." sabi ni Rence habang hindi pa rin inaalis ang ngiti niya.


"Magkakilala kayo?" tanong ni Rei.


"Secret." sagot ni Rence habang nakatingin pa rin sa akin.


"Ooookay! Ayoko na sa tingin ni Rence sayo, lipat naman tayo sa iba." inakbayan ako ni Rei at inilayo kay Rence.


"Eto naman yung dalawang kambal sa amin."


Sabay silang tumingin sa akin at nanlaki ang mga mata. Shit, don't tell me -


"Rei! Rei! Ipakilala mo ko bilis!"


"Zhaira, si Jim. Jim, si Zhaira."


"Ako din, ako din!"


"Zhaira si Jan. Jan, si Zhaira."


Huminga naman ako ng maluwag. Okay, ligtas pa ako.


"Zhaira, may boyfriend na ba you?" tanong ni Jim. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Jan.


"Wala yan! Nararamdaman kong ako ang hinihintay niya."


"Sapak gusto mo!?" Jim.


"Suntok gusto mo?!" Jan.


"I talked to her first!" Jim.


"Pakialam ko?! Mas nauna akong pinanganak sayo ng 2 minutes!" Jan.


Nag-glare sila sa isa't isa nang biglang.. "Jack en Poy!"


Umh....


"Sorry." bulong sa akin ni Rei at inilayo na ako sa kambal. Tumingin-tingin siya sa paligid at, "Teka, nasaan yung-"


Biglang nagbukas ang pinto, "ANDITO NA ANG MGA GWAPO!"


Lahat kami ay napatingin sa may pintuan. At doon, may apat na lalaki.. na naka-pose.


Yung nasa dulo sa kanan, nakaluhod yung isang paa tapos naka-sideview tapos naka-baril sign. Ganun din yung nasa dulo sa kaliwa. Yung dalawa naman sa gitna, magkatalikod tapos naka-baril sign din.


Umh.


Napa-face palm na lang si Rei. "Umayos nga kayo diyan! Nakakahiya pa rin kayo!"

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now