Nasapo ko ang noo ko dahil sa lakas ng impact. Mabuti nalang at wala pang gaanong taong dumadaan kaya walang nakapansin sa pagka-untog ko maliban kay Aidan na prenteng nakangisi habang nakapamulsa sa labas ng shop na pinanggalingan ko.

Bigla akong pinamulaan ng mukha. Naks naman, Tahani! Ang kagagahan kasi iniiwan sa bahay, e.

Labis labis ang kahihiyang bumalot saakin sa mga oras na ito. Hindi ko na nga matignan ng diresto si bebe, e. Isa pa, pakiramdam ko may bukol na rin ako sa gitna ng noo. Eh, di lumabas ang ebidensya ng kashungahan ko, 'diba?

Kung bakit ba naman kasi wala man lang perfect timing para saamin ni Aidan, e. Nakakagago din talaga minsan si destiny.

“Mahirap na nga, tatanga-tanga pa.”

“Aba, easyhan mo naman. Sakit 'nun, ha.” Sabi ko.

Hindi naman porke't crush ko siya ay hindi na ako maaaring makapagsabi ng mga ganun sa kanya. Aba! Tao parin naman ako. Marupok, madaling masaktan. Char lang!

“And in the first place, what are you doing here?” Puno ng pang-iimbestiga ang kanyang tanong.

“Bakit? Porke't mahirap ba ako, hindi na ako pwedeng pumunta sa lugar kagaya neto?”

“Stupid. It's not what I meant.” He hissed and turned his back on me.

“Wala akong paki. Wag mo kong ma-english english, Aidan Sylvestre!” I shouted at the top of my lungs.

Imbyerna kasi, e. Sa araw-araw ba naman na panrereject niya saakin, bawas na ang pagkahumaling ko sa kanya. Hindi naman ako araw-araw inlove na inlove. Ano ako? Tanga? Madami ng ganun, ayoko ng dumagdag.

Minsan kasi, sa mga kagaya nilang may sinabi sa buhay at sa pagmumukha, kailangang tinuturuan na hindi habang buhay may magkakagusto sa kanila. Hindi habang buhay may kayang magtiis sa ugali nilang ganun. Dapat matuto din silang mag-adjust. Hindi yung iba pa ang mag-aadjust para sa kanila.

“Thought your stalking me, though.” Aniya bago maglakad palayo saakin ng nakangisi.

That's what you are good at. Leaving.

“Huy kilabutan ka nga! Crush lang kita pero di mo ako stalker!” Sabi ko nalang ng halos mawala na siya sa paningin ko. “Slight lang...” It was almost a whisper.

I sighed by the thought of it.

Kung bakit ba naman kasi ang hirap magkagusto sa taong mas mataas kaysa sayo. Sa mas may sinabi. Sa mas may sa lahat.

Kaya sa halip na mamasyal pa ako sa mall ay naisipan ko nalang umuwi at doon palipasin ang oras sa bahay.

At least, doon, walang nanlalait saakin. Walang nagpapamukha na mahirap lang ako. Hindi ko kailangang mamalimos ng pagmamahal doon. Doon, nahahanap ko ang totoong pamilya. Yung mamahalin ako kahit ano pa ako. Yung hindi ko kailangang maging kahit na sino para matanggap ako.

Pero leche! Siya parin ang sumasagi sa isip ko. Crush na crush ko talaga si Aidan.

“Pransing! Pahiram ng lipstick.” Sigaw ko habang nag-aayos sa harapan nanghihingalo naming full size mirror.

Hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito. Pero ngayong mga nakaraang araw ay nawili na rin ako sa paglalagay ng lipstick sa manipis at natural na mapupulang labi ko.

Kahit naman natural na mapupula ang mga ito ay gusto ko ding subukan ang lipstick kaya nanghihiram ako kay Pransing.

“Ano?” Sigaw niya mula sa banyo.

CHASEWhere stories live. Discover now