Bet Your Heart ♡ Chapter 28

Beginne am Anfang
                                    

Pero shete! Bakit ba ganoon ang mga iniisip ko?! Hindi niya naman siguro gagawin iyon sa sarili niya kahit pa sabihin na nating may pagka abnormal siya.

Nakatayo na ako sa likod. Bumuntong hininga ako bago ko iniangat ang isang kamay ko para sana hawakan siya sa balikat nang muntik na akong mapatalon sa bigla niyang pagsasalita.

"What do you want this time?" tanong niya sa seryosong tinig habang hindi humaharap sa akin.

So, naramdaman niya pala ang paglapit ko? Pero bakit siya ganito makipag-usap sa akin ngayon? Galit ba talaga siya? Ano ba ang ginawa ko sa kanya at galit siya sa akin? Bakit parang puno ng hinanakit iyong tanong? Sinaktan ko ba siya? What the heck?! Ang dami kong tanong! At wala akong mahagilap na sagot sa kahit isa sa mga tanong ko dahil ang alam ko, wala naman akong ginawang mali sa kanya.

Humarap siya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya pero nakaramdam ako ng takot sa klase ng tingin niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganya sa buong buhay na magkasama kami. Parang hindi siya ang Renz na best friend ko.

Huminga ako ng malalim para tanggalin ang kabang kanina pa namumuo sa dibdib ko. Kailangan kong malaman kung ano ba ang mga nangyayari. Bakit siya nagkakaganya at kung bakit pati ako na wala namang ginagawa sa kanyang masama ay nadadamay sa pagiging mainitin ng ulo niya these past few days.

"Renz,may problema ka ba? Bakit—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na naman siyang nagsalita.

"It's none of your business, Lianne," wala pa ring emosyon na sabi niya at tumalikod ulit sa akin.

Nabigla ako sa sinabi niya at nasaktan din. Sino'ng mag-best friend ang nagsasabihan ng ganoon? Gusto ko na siyang sapukin sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Siguro kailangan niya ng space at magpaka-astronaut muna para mapag-isipan ang mga bagay-bagay sa kalawakan.

Pero dahil wala naman sa lahi nila ang magpaka-Yuri Gagarin, wala akong pakialam kung kailangan niya ng space ngayon.

"Renz, anong it's none of my business ang sinasabi mo? You're bestfriend and if—" pinutol niya na naman ang sasabihin ko. He did not give me the chance to speak in English!

"Yeah, sure," sarkastiko niyang sabi. "I'm just your damn best friend!" may diin niya pang dagdag.

Humarap siya sa akin and this time, galit ang nasa mukha niya sa hindi ko malamang dahilan. Bahagya akong napaurong palayo sa kanya. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi tama at bigla na lang siyang nag-burst out.

"I'm only your best friend and nothing more! I'm just your great best friend at hanggang doon na lang iyon!" sigaw na niya na nagpatulala sa akin.

Matinding galit ang nasa mga mata niya. Nang hindi ako nakaimik dahil sa pagkabigla sa pagsigaw niya ay iniwan niya ako room.

Nakakailang hakbang na siya nang mahimasmasan ako mula sa pagkabigla. Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. Nagtuluy-tuloy siya sa paglabas ng gate ng bahay nila at lumabas. Gusto ko sana siyang sundan pero nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba at parang kaunting galaw lang ay bibigay na ang mga iyon.

At isa pa, natatakot rin talaga ako sa galit na nakita ko sa kanya at sa pagsigaw na ginawa niya. Unang beses ito na nasigawan niya ako ng ganoon. Kung nasisigawan niya man ako noon ay kapag naiinis lang siya sa akin dahil sa sobrang kapilyahan ko.

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako habang nakatayo pa rin doon at nagkatingin pa rin sa gate na nilabasan ng best friend kong menopause na yata talaga.

Napahawak ako sa chain ng swing na inuupuan niya kanina at nang hindi ko na talaga nakayanan ang pananatili sa pagtayo, naupo na ako doon.

Hindi ako makapaniwala na nasisigawan ako ni Renz ng ganoon ngayon. Pero ang mas nagpapagulo sa isip ko ngayon ay kung bakit ba siya nagiging ganito sa akin ngayon. Wala naman akong natatandaan na ginawa ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Basta na lang siyang naging ganyan. Bago ako naospital ganyan na siya pero parang na-guilty naman siya kaagad kaya nga umabot kami sa pagbabatuhan ng mga prutas. Pero ngayong nakalabas na ako, mas lalo yatang lumala.

♡ Playing Love Games ♡Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt