"I know right." sabi naman nung kaibigan niya.


Teka, parang pamilyar yung boses at dialogue ng dalawang 'to ah?


"Sya na nga 'tong nilalapitan ni prince, tinataboy pa."


"I know right."


Yup. Sila nga yung dalawang babae sa CR.


"Lintik kayo ha!" tumayo si Adele at agad naman siyang kinapitan nung tatlo, "Kung magpaparinig kayo, laksan niyo pa!! Yung tipong mabibingi ako! Oh ano! Palakasan tayo ng boses ngayon!!" agad namang binilisan ng dalawa yung lakad nila palayo.


Natatawang binitawan ng tatlo si Adele.


"Mga hardcore fangirls ni Prince." nakangiting sabi ni Cyrene.


Bumuntong-hininga ako, "Ano ba kasing gagawin ko?" Oo na. Ito na, ginugulo na ako ng konsensya ko.


Tiningnan ako ni Shiela at ngumiti, "I know that you know already."


I rolled my eyes at her. I hate it when she's right. Tumayo na ako at lumabas ng court.


Now. Where the heck is that guy?


Nagsimula na akong maglakad papasok sa building nang makasalubong ko si Gio, "Nakita mo si Zyren?" Please wag kang mang-asar. Please.


"Uyyyy~ Hinahanap niya~" Tinaas baba pa niya ang kilay niya. Ugh.


"Nasan nga?" seryoso kong tanong. Nag-shrug siya, "Di ko alam eh." Tumango ako, "Thanks."


Nilagpasan ko na sya pero bigla niya akong tinawag. "Si ano.. Si Loreez?" Heh. It's my turn; I smirked at him, at agad naman siyang namula. Aww, parang bata; naawa naman ako, "Nasa court."


Nakakailang hakbang pa lang ako nang makasalubong ko naman si Kenrick na naglalakad habang nagbabasa. Galing nito ah.


"Si Zyren?" inalis niya ang atensyon sa libro. Please wag kang mang-asar. Please.


Binigyan niya ako ng isang mapag-larong ngiti, "Nag-iba na yata ang hangin ngayon ah?" Ugh.


"Nasan nga?" Napapagod na ako. Tulad ni Gio, nag-shrug lang siya ng balikat, "'Dunno." Tumango ako, "Thanks."


Nagsimula na akong maglakad nang bigla siyang magsalita, "Uh, mga kaibigan mo?" Tiningnan ko muna siya suspiciously bago sumagot. Hmmmmm. "Nasa court."


Isang lalaki na lang ang kailangan kong makasalubong. At ayun! Nakita ko si Geoff na nakasandal sa dingding at nagpapatugtog.


Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang earphones sa tenga niya.


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon