Chapter 1

180K 2.6K 225
                                    

"I am running away from a secret."


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


"Bebe Girl! Nandito na si Shiela!" sigaw ni Daddy mula sa living room. Nasabi ko na ba na nasa second floor at nasa pinakadulo pa ang kwarto ko? At naka-on pa ang radio namin? So yeah, just imagine kung gaano kalakas ang boses ni Daddy.


"Diba sabi ko na sa inyo na wag nyo 'kong tawagin na ganyan!" sigaw ko pabalik. Battle of the voices na ito.


"Oo nga pala! Sorry Bebe Girl!"


Ugh. Never mind. Umiling na lang ako at napangiti.


Ako po si Zhaira Alvarez. Ayoko sa childish attitude ng tatay ko, pero kahit ganun, mahal ko pa din siya. Kaso nga lang, hindi ko alam kung paano ito ipaparamdam.

Paano mo ba maipaparamdam sa isang tao na mahal mo sya? Lalo pa't ang pagkaka-kilala nila sayo noon pa ay isang cold, suplada, at walang pakialam na tao. Sucks, but true.

Tiningnan ko ang wall clock, 30 minutes na lang male-late na ako. Magpa-late na lang kaya ako? Tutal, first subject naman ay Chemistry eh. And.. kelan pa ba ako pumasa sa Chemistry.. or sa kahit anong field of Science for that matter? Eighteen years na ako sa planetang ito at eighteen years ko na ring kinamumuhian ang Science. Yes, since birth.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at malakas itong bumangga sa pader.


"Zhaira!!! Aba, ano, masyado yata tayong napapatagal?"


Kawawang pader.


"Sige. Tama yan, Shiela. Pumasok ka na lang lagi sa kwarto ko nang hindi kumakatok ha? Tapos sirain mo na din yung pader. Libreng-libre lang." Expressionless kong sabi habang inaayos ko ang aking buhok sa harap ng salamin.


"Agang-aga ang sungit." Sumandal siya sa door frame at kita ko sa salamin ang pag-pout nya. Pinilit kong itago ang ngiti ko. "Dalian mo na kaya, male-late na po tayo kung hindi pa halata."


Siya si Shiela Esguerra. Magkasama na kami niyan simula pagka-bata. But I'm glad na nakilala ko siya. And to be honest, sapat nang kahit siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Actually, para ngang buntot ko 'yan eh. Or, mas appropriate siguro na ako ang tagapag-ligtas nya dati. Iyakin at duwag kasi 'to eh. Good thing na natanggal na nya ang pagiging iyakin niya. But ang pagiging duwag? I can't really tell.


<SHIELA'S Point Of View>


"Okay. Tara na." Kalmadong sabi ni Zhaira pagkatapos nyang magsuklay ng buhok.


Paano ba siya nagiging relax palagi??? Paano??


Tumayo na ako ng maayos at bumuntong hininga, "Buti naman natapos ka pa diba." Pabiro kong sabi. She just rolled her eyes. Meh, a typical Zhaira reaction.


"Tito! Aalis na po kami!" sigaw ko nang madaanan namin ang kusina.


"Sige! Ingat kayo, mga ganda!" sigaw niya pabalik. I swear, sanay na siguro ang buong neighborhood sa nangyayaring sigawan sa bahay na ito tuwing umaga.


Tiningnan ko si Zhai. Umasa ako na magpapaalam na siya (sa wakas) sa daddy nya, pero as usual, tiningnan lang nya ang daddy nya at tumango. O, Diyos ko, Zhaira Alvarez, maging anak ka naman minsan.


Pagkalabas ng bahay, agad ko siyang binatukan ng mahina, "Ano ba yan, Zhaira. Magparamdam ka naman kahit minsan. Ang suplada mo pa rin eh."


Don't get me wrong; hindi ko siya ini-insulto dito. I'm telling the truth, ya know.


Bumuntong-hininga lang sya, "Nasanay na eh." Simpleng sagot nya at nagsimula nang maglakad.


Nag-stay lang ako sa pwesto ko at malungkot na tiningnan ang likod nya. Hay. Tumatak at nag-stay na talaga siguro ang ganitong ugali nya. Hindi naman siya ganito dati eh, nagsimula lang 'to nung---


"Shiela! 6:50 na."


Nagising ang buong pagkatao ko. Tiningnan ko si Zhai at nagtataka siyang nakatingin pabalik sa akin.

ANAK KA NAMAN NG TINAPA OH!!! 7 AM ANG FIRST CLASS NAMIN!!


"Tinamaan ka ng tipaklong, Zhaira! Bakit ngayon mo lang sinabi?!?!" Nang makalapit na ako sa tabi nya, nagtinginan kami sa isa't-isa at sabay na tumango.


"1.." sinimulan na niya ang pagbibilang.

"2.." hinigpitan ko ang kapit sa backpack ko.

"..and 3."


TAKBO.

Oo. Ganito kasaya ang buhay namin. Cue in sarcastic laugh.


"H-hoy babae! G-grabe ka. Pinag..papa..wisan.. na agad.. akooooh!" Paputol-putol kong sabi nang konting hakbang na lang kami mula sa school. Sumandal ako sa isang poste at hinabol ang paghinga ko.


Agad kong kinuha ang panyo at make up kit mula sa bag ko. Bwisit na buhay naman talaga oh.


"Sus. Ayaw mo lang na makita ka ni Geoff na pawisan." hirit naman nitong si Zhaira. Sinamaan ko siya ng tingin, at mula sa kanyang evil smile, mukhang hindi ko na naman napigilan ang pamumula ng pisngi ko.


So, sino nga ba si Geoff? Well, pinsan lang naman siya ni Zhaira. Gwapo. Mabait. Gwapo. Friendly. Gwapo. Nakakamatay ang ngiti. Gwapo. Nothing much.


At isa si Geoff sa--


Nagtinginan ulit kami ni Zhai nang narinig namin ang bell sa school. Wala nang bilang-bilang. TAKBO NA!


Bwiset. Kapag talaga nakita ako ni Geoff na pawisan, isusumpa ko si Zhaira.


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon