Chapter 23 : Yearning Hearts

Start from the beginning
                                    

I didn't bother to switch on the light once i reached my destination. Dire-diretso akong tumungo sa refrigerator, kinuha ang personal bottle at walang patumanggang tinungga ang laman nuon.

Halos nakakailang lagok pa lang ako ng gulatin ako ng isang pamilyar na boses.

"obviously, that is not allowed" malumanay ang pagkakasabi nuon pero magkagayunman, nagulat pa rin ako which cause me to spill some of the water all over my upper body.

"shit!" mahinaing daing ko ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na tubig sa pang-ibabaw na katawan. Agaran kong inilapag ang pinag-inuman kasunod ng akmang pagpunas sa sarili ng bigla akong matigilan. All of a sudden my heart went wild at halos magkanda-buhol ang hininga ng mapagtanto kung sino ang nanggulantang sa akin.

Upang makumpirma ang hinala, dahan-dahan akong pumihit paharap sa kinaroroonan nito. halos manlambot ang mga tuhod ng mabistahan ang nilalang na nanduruon sa isang madilim na parte ng kusinang iyon. Buti na lamang at agad kong naisandal ang katawan sa may kitchen counter na nasa  gawing likuran, kung kaya ang akma kong pagbuwal ay napigilan.

"G-Gabby?" i spill out stuttering while staring at the person in front of me. Suddenly my heart beat fast ng mula sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ay masilayan ang pamilyar na bulto ng katawang iyon. Komportable itong nakaupo sa isang stool sa may gawing dulo ng Island counter habang nakapatong ang magkabilang siko sa ibabaw ng lamesang kinaroroonan. I was shocked for a while pero hindi ko napigilan ang sariling ma-excite at mag-isip kung papaanong hindi ko naramdaman ang pagpasok nya sa loob ng unit.

Ganuon na ba kahimbing ang tulog ko at kahit kaluskos ng pagdating nya ay hindi ko namalayan? 

"are you aware of the house rules na ipinapatupad ko dito, Ms. Buencamino?" she said bringing me back to reality. Instead na mag-react sa pagtawag ko sa kanya sinita ako nito sa mababang tono. Wala man akong nahimigang galit sa pananalita nya ay tila napipilan pa rin ako kung kaya't hindi ko nagawang sagutin ang tanong na ipinukol nito.

Apparently, nahihirapan ang sariling utak na i-absorb ang kasalukuyang nangyayari. Animo, hindi magsink-in sa akin na nasa harapan ko ang taong kanina lang ay pinagnanasahan kong makita at makausap.

Tila namamalikmata akong nakamasid sa gawi nya habang malayang pinagmamasdan ang kabuuan nito sa kabila ng madilim na paligid ng muli nya akong pukawin.

"rule no1 : boys are strictly not allowed inside the unit,..." bungad ng kaharap, na kahit hindi ko makita ang kabuuan ay alam kong nakatitig ng matiim sa direksyon ko.

" .... rule no2 : no one is allowed to enter the unit after 12:00 midnight" dugtong nito when i didn't react sa unang nyang sinabi.

Actually, hindi na nya kelangang sabihin pa isa-isa ang mga house rules, dahil nai- briefing na kami ni Sir Jof tungkol duon. Hindi rin naman ganuon kadami yun para makalimutan ko. In fact tatlo lang yun, pero ang sabi ni Sir Jof mahigpit nilang ipapatupad yun dahil na rin sa utos ng taong kaharap ko.

Kinda weird though, the 1st and 2nd rule which is hindi pagbibigay ng pahintulot na makapasok ang sinomang lalaki sa loob ng unit at ang curfew hours ng until 12 midnight is well justified. Pero ang pangatlo na animo pagbabawal na magsuot ng mahahalay at malalaswang damit sa mga common areas ay medyo questionable. To think na puro babae lang naman kami dito sa quarters ay wala akong makitang foul sa pagsusuot ng seksing damit paminsan-minsan.

Kagaya ko karamihan sa mga kasamahan ko ay nagtaka sa rules na iyon pero magkagayon man hindi na namin nagawang magreklamo kaya kahit naguguluhan ay sumang-ayon na lang kami sa gustong mangyari ng administrator.

Hindi na kami nag-abala pang alamin ang dahilan over that rule no.3 pero tila ngayon ay nabigyan ng kasagutan ang tanong na iyon ng marinig ko mula sa kaharap ang mga sumunod na sinabi.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now