Halos lahat na ng rides nasakyan namin. Ang kulit pa naming apat dahil nasa dulo kami ng Anchors Away. Sobrang ingay at tawa lang kami ng tawa. After nun, nagyaya si Jeron sa may swan lake.
"Kayo nalang, bro. Baka ma-issue kami ni Luigi pag nangganyan kami. Hahaha" sabi ni Thomas. Natawa ako dahil naimagine ko silang dalawa ni Luigi. Ang cute kaya.
"Oo nga, bro. Tsaka trip ko yung mini donuts dun kakain muna ako." sabi ni Luigi
"Ay gusto ko rin nun. Bilhan mo ko please? Haha" sabi ko kay Luigi
"Sure. Treat na kita. Anong flavor?"
"Cookies and cream! Yay! Thanks"
"No, prob. Sige, enjoy kayo ni Jeron dyan. Text niyo kami kung san tayo next."
"Alright. See you later!"
-------------------------------
Jeron's POV
"Jeron, what's up with you?" tanong sakin ni Celine. Nasa swan na kami at hawak ko parin ang kamay niya.
"What do you mean?"
"You're different today."
"Different bad or different good?"
"Hindi ko rin alam. I like the feeling I get when you hold my hand. Alam kong I shouldn't feel anything pero hindi ko mapigilan. And I hate it that I'm so honest when I'm with you. Haha"
Sa totoo lang, nagulat ako sa sinabi ni Celine. Hindi ko inexpect na masasabi niya sakin yun. Pero natutuwa ako dahil kanina pa ako kinakabahan kung ano sasabihin niya sakin.
"Masanay ka na because I don't plan on letting you go. Haha"
"Jeron naman, I'm not joking kasi. Haha"
"You think I am? Ikaw lang naman nag-iisip na nagjojoke lang ako e"
"Lagi ka kaya nagjojoke."
"Sige nga, when did I tell you I was just joking around? Aside sa mga pang-bubully ko sayo. Haha" Hindi nakasagot agad si Celine.
"I never told you I was joking. Pag sinasabi kong ang cute cute mo pag naaasar ka, o na ang ganda mo, o gusto kitang kasama, I wasn't joking." dagdag ko. Tahimik parin si Celine. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip niya ngayon pero kinakabahan ako. Hindi ganito ang plano ko na pagsabi sakanya pero andito na e. There's no turning back.
"Celine, uso magsalita. Haha" sabi ko para hindi magka-awkward silence
"E hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko e. Seriously, anong problema mo?" sagot ni Celine. What?! Pagkatapos kong halos umamin ako ang may problema? Hay ano ba tong babaeng to.
"Woah. Anong "anong problema" ko?. Wala namang mali at hindi totoo sa sinabi ko a."
"Hindi ko alam"
"Am I making you feel uncomfortable?"
"Feelings make me uncomfortable. Hahaha I'm not good with these kinds of things. Kainis. Hahaha" sagot ni Celine
"Then you have to learn to be good at it. Wala ata akong planong umalis. Haha"
"Ewan ko sayo. Pag ikaw nainlove sakin, tatawanan talaga kita. Hahaha"
"Tawa ka na." sabi ko sakanya. Hindi na siya nagsalita kaya ako na ang nagsalita ulit.
"Seryoso ako. From the way na disconnected ka pag gumagawa ng plates to the way na lahat ng nakakasama mo napapatawa mo. Ang cute mo pag nakakunot ang noo mo pag nagddrawing, or yung smile mo pag satisfied ka sa nagawa mo. Ang ganda mo pag nakadress at nakaayos ka. Pero mas maganda ka pag wala kang make up at nakatshirt at shorts ka lang. When you smile, I can't help but smile din. I can't help it, nakakahawa yung smile mo. Celine, I could go on and on kaso baka maging stalker na yung dating ko. Hahahaha"
Tahimik parin si Celine. Pagtingin ko sakanya, tumutulo ang luha niya.
"Uy Celine, bakit ka umiiyak?" Medyo nagpanic ako kung may mali ba akong nasabi.
"Ikaw kasi e. Haha" sabi niya habang pinupunasan luha niya.
"May mali ba akong nasabi?"
"No, wala. I just didn't expect that someone would pay that much attention to the things I do. It feels new to me. Haha sorry ang weird ko"
"So kung nagtuloy-tuloy pa ako baka humahagulgol ka na? Hahaha"
"Argh. Nakakainis ka talaga" sabay hampas niya sakin
"Joke lang, babe."
"Babe?! At san mo naman yan napulot yan, Jeron Alvin?!" sabi niya sakin. Nakakatawa ang reaction niya.
"Wala namang mali dun a. Haha I want to call you 'babe'. But I'm not asking you to call me 'babe' din. 'Honey', 'baby', 'sweetiepie' or 'cupcake' okay na"
"Hahahahaha omg ang cornyyyyy! Hahahaha" tawang tawa siya sa sinabi ko. Medyo seryoso naman kasi ako, pero sa 'baby' lang. Haha
"Grabe, tinawanan lang ako. Pag ikaw na-fall sakin "Honeybaby" ipapatawag ko sayo. Haha"
"What the hell. Hahaha uber cheesy ng 'honeybaby'! Ineexpect mo talagang mafafall ako sayo no? Lakas mo talaga, Jeron!"
"Of course. I'm The Jeron Teng. Hahaha Ayos ba?" sabay kindat ko sakanya.
"Hay nako hindi ko alam anong gagawin ko sayo. Hahaha Tara na, tinatawag na tayo nung operator. Wait san pala tayo next?" tanong niya sakin
"Hmmm, ferris wheel? Maganda na ang view ngayon kasi gabi na."
"Alright. Text ko na sila Thomas na dun magkikita."
Ang plano ko talaga, sa ferris wheel ako magsasabi kay Celine. Alam na nila Thomas at Luigi yun kaya maghihiwalay kami ng cart. Pero ayos na rin na sa swan lake ko nasabi. At least mas makakapag-usap pa kami sa ferris wheel.
"Celine, ito na mini donuts mo" sabay abot ni Luigi ng donuts ni Celine
"Yay, thank you!"
"Guys, sakay na tayo?" tanong ni Thom
Nauna sila ni Luigi at pagsakay nila, sinarado agad nila yung cart.
"Bro, dun na kayo ni Celine sa next. Hihiga kami ni Luigi e. Hahaha" sabi ni Thomas
"Ewan ko sayo, Torres. Haha" sabi sakanya ni Celine bago sumakay sa susunod na cart.
Tahimik lang kaming dalawa ni Celine. Pareho namin iniisip yung mga nangyari kanina.
"Celine, I'm serious about what I said earlier. Alam kong hindi ka naniniwala sa ligaw but just let me show you much you mean to me."
"Jeron, ayokong masira yung friendship natin. I admit, kinikilig ako sa mga ginagawa mo pero I brush it off kasi ayokong maging complicated tayo"
"Edi hayaan mong pakiligin pa kita. Hahaha I'm not asking you to return my feelings. I'm just asking for a chance. Would you let me?"
"I don't want to hurt you, Jeron. Pano pag hindi ko pala kayang pantayan yung feelings mo? And yung friendship natin, it's something that I really treasure."
"I told you all these things knowing that there's a chance that you might not feel the same way. And I'm prepared to take that risk. I just wanted you to know. I'm not asking for anything, chance lang."
"I'd be lying if I say na I don't feel anything for you other than friendship. Crush parin siguro. But I don't know if that feeling will grow or die. I don't want to be unfair to you"
"Celine, you being honest about this is more than enough. It won't be unfair kasi I know what I'm getting into."
Kinakabahan ako talaga pag natatahimik ng matagal si Celine. After ilang minutes, nagsalita na ulit siya.
"Fine. Let's see where this will take us." sabi niya.
ANDA SEDANG MEMBACA
Expected, but not really.
Fiksyen PeminatHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
Chapter 22: Number Twenty-One Part II
Mula dari awal
